^

PSN Showbiz

John Prats napansin ang taba sa pagrampa

PERUSE ME - Ronnie Carrasco -

Buhay na buhay sa mga panaginip ni Lolit Solis ang anyo ng nasirang Rudy Fernandez.

“Siguro dahil magwa-one year na mula nung ma­matay siya. At nakakaloka ang panaginip ko, ha? ‘Oy, Lolit, bigyan mo ’ko ng kopya nung sex vid­eo ni Katrina, ha!’ Kulit pa siya nang kulit sa akin, at bilin pa niya eh, yung kumpleto,” kuwento ni ’Nay Lolit.

Around the same time last year, ano nga ba ang naalaala ng manager bago nala­gutan ng hini­nga si Daboy?

“Bale May 30 nun, gus­tung-gusto na niyang umuwi ng bahay from the hospital. Biruin mo, apat na doktor na yung nagsa­sabi sa kanya that it would be better if he stay­ed at the hospital para nga naman kung may emergency, madali. The next day, umuwi na siya,” pagbabalik-tanaw ni ’Nay Lolit who was inside Rudy’s suite that day.

“Pero ang na-touch talaga ako, eh nung lumapit si Jinggoy kay Daboy. Sabi ni Jinggoy, ‘Pare, sino ako?’ Sagot ni Daboy, ‘J…ing…goy.’ Nakakakilala pa naman siya pero hirap na talaga siya. Tapos, sabi ni Daboy kay Jinggoy, ‘Pare hin…di ko na k…aya.’ Tapos, umiyak si Jinggoy. Dun ako talaga naiyak. I mean, dun ko nakita ang pagmamahalan ng dalawang magkaibigang lalaki.”

Araw ng Linggo tumapat ang June 7, first death anniversary ni Kuya Rudy, araw kung kailan hindi talaga lumalabas ng bahay si ’Nay Lolit dahil day-off iyon ng kanyang driver na si Junior. But ’Nay Lolit is coming out of her Fairview house to visit Daboy’s tomb at the Heritage Park.

* * *

Except for the poor crowd control and slight de­lay before it started, maayos ang ginanap na fash­ion ng Bench at Kashieka sa Hall 2 ng SMX Con­vention Center last Sunday.

Si Piolo Pascual ang huling rumampa which made him the lead star. Bale dominated ’yon ng mga ABS-CBN talents tulad nina Luis Manzano, Billy Crawford, Jake Cuenca, Kim Chiu, Gerald Anderson, Bea Alonzo, Karylle, Zanjoe Ma­rudo, Shaina Magdayao, Enchong Dee down to John Prats whose presence was a bit off.

Hindi sa pame­mer­sonal, alam naman natin na hindi matangkad si John, but he looked hav­ing fat­tened himself up kaya ang taba niya sa stage.

Tanging si Jay-R lang ang taga-GMA 7, kaya hinahanap tuloy ng mga tao si Richard Gutierrez o si Ding­dong Dantes (take note, I didn’t say “and”).

Understandable na­man ang conspicuous ab­sen­ce ni Katrina Halili, na off nga naman kung ang transition ay mula se­nado papuntang en­tab­lado!

* * *

Weeks before the Star Awards for Mov­ies, ami­nado si German Moreno na kabado siya sa katung­galing si Emilio Garcia para sa kategor­yang best supporting actor. Puring-puri rin kasi ni German Moreno ang per­formance ni Emilio sa Walang Kawala, but never to be snub­bed din naman ang kanyang pagganap sa Pau­pahan.

But it turned out na nag-tie sina Kuya Germs at Emilio. What else can I say kundi isang twin vic­tory ’yon para sa Walang Kawala at Walang Tulugan.

vuukle comment

BALE MAY

BEA ALONZO

BILLY CRAWFORD

DABOY

GERMAN MORENO

JINGGOY

NAY LOLIT

SHY

WALANG KAWALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with