^

PSN Showbiz

Saab Magalona ikinasal

-

MANILA, Philippines - Nakapagtala ng pinaka-mataas na rating ang pre-Holy Week episode noong isang Sabado ang nag-iisang teen show ng TV5 na produced ng Prime Events Force, ang Lipgloss. Sa kasal nina Meg (Saab Magalona) at Nikko (Matt Evans), may nagtanim ng bomba sa altar at bago nagsimula ang seremonya, sumabog ito.

 Sa overnight ratings ng AGB Nielsen, nakakuha ang Lipgloss ng 6.9 % ratings at 15.4 % audience share. Napakaliit lang ng naging lamang ng ABS-CBN show na katapat nito, ang Komiks Presents: Flash Bomba na nag 9.8 % at single-digit na lang din ang lamang ng GMA 7 show na Pinoy Records na may 16.1 %.

 Ngayong Sabado ng alas-sais ng gabi, sasagutin na ang katanungang iniwan ng pagsabog ng bomba sa lalong dumaraming sumusubaybay ng Lipgloss. Sino ang namatay kina Meg, Abby (Maxine Eigenmann), Jake (Rodjun Cruz), Maui (Mikee Lee), Camille (Niña Jose), Edge (Kevin Lapena), Jose Mari (Carlo Guevarra), Santi (Ejay Falcon), Patrice (Daiana Menesez), Louise (Louise delos Reyes), Julivee (Czarina Suzara), Caloy (Neil Coleta), Poknat (Cyrus Desamparado) at Carla (Jess Mendoza) at sino sa kanila ang nagtanim ng bomba?

 Special guest star si Angelica Jones bilang ang espiritistang si Mimi na tutulong sa ibang barkada na mahanap ang solusyon. Mula ito sa direksyon ni Aleah Eugenio.

 Masaya na ring binalita ng TV5 na binigyan na ng pang-apat na season ang Lipgloss dahil sa paglakas ng programa tuwing Sabado bago mag- Talentadong Pinoy.

vuukle comment

ALEAH EUGENIO

ANGELICA JONES

CARLO GUEVARRA

CYRUS DESAMPARADO

CZARINA SUZARA

DAIANA MENESEZ

EJAY FALCON

FLASH BOMBA

HOLY WEEK

LIPGLOSS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with