^

PSN Showbiz

Sunshine sure nang papasok sa pulitika

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

 May advance screening ang TV5 ng Slumdog Millionaire this Monday sa Mall of Asia and obviously, pang-promo ito sa Who Wants to Be a Millionaire na sa May na raw eere. Ang pelikula rin ang malaking rason kung bakit ibabalik sa bansa ng TV5 ang WWTBAM na ang tsika, dahil sa sobrang mahal ng rights, may mga existing show ang istasyon na tsutsugihin.

Si Vic Sotto na raw ang magho-host ng WWTBAM at nag-VTR o magbi-VTR shoot na ito.

Busy si Vic this year, hindi lang dahil nadagdagan ang kanyang TV show, magpapa-busy din sa kanya ang gagawing pelikula under his M-Zet Produc­tions.

Ito’y ang LOL Online o Laugh Out Loud . Ang VJ at print and TV commercial model na si Paula Taylor daw ang makaka-pareha ni Vic. Si Tony Reyes ang magdidirek nito.

* * *

Bugbog sarado si Dingdong Dantes sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang at si Paolo Contis ang walang awang nananakit sa kanya. Sabi ni Dingdong, si Paolo lang ang gusto niyang bumugbog sa kanya’t okey lang masaktan kung best actor ang mananakit sa kanya.

Kahit nire-rehearse ang eksena, nasasaktan pa rin si Dingdong, pero para sa ikagaganda ng soap, wala siyang reklamo. Masaya rin ang buong team ng ABHSAT na mas naa-appreciate na ng viewers ang story ng soap, nagbunga na raw ang double effort nilang lahat.

Sa episode mamaya, kikiligin ang viewers na si Proserfina (Marian Rivera) ang nag-propose ng kasal at tatanggapin ito ni Homer (Dingdong). Kaso, dumating sa ospital si Heleen (Angelu) at ibinalitang ang binata ang ama ng kanyang ipinagbubuntis.

* * *

Sa Iloilo maghu-Holy Week si Sunshine Dizon at kundi Wednesday, sa Thursday sila uuwi ng kanyang ina. Gustuhin man niyang umuwi ng mas maaga, may taping pa siya ng All About Eve hanggang bukas.

May tsikang kaya siya uuwi ng Iloilo ay para makipag-usap sa governor at mayor ng Iloilo tungkol sa planong pagtakbo niyang Board Member sa 2010 elections. ‘Yun pala, nakipag-usap na siya sa isang resto sa Serendra, pero ayaw pang sabihin ni Sunshine ang napag-usapan.

Samantala, pinaabangan ni Sunshine ang mga susunod na eksena sa AAE kung saan labas na ang kasamaan ni Erika, ang karakter niya sa soap. Pagkatapos ng sexy dance number niya, may bed scene rin siya kay Alfred Vargas at may mga kissing scenes pang gagawin.

* * *

Lilipad for the States si Jomari Yllana bago magtapos ang buwan para manood ng laban ni Manny Pacquiao sa May 2 sa Las Vegas. Pagkatapos noon, makikipag-usap siya sa agents nina David Cook at David Archuleta at sa dalawa na rin para sa back-to-back concert na gagawin ng dalawa sa May 16, sa SM Mall of Asia.

Pina-plug na sa radio at TV ang concert at mabibili na ang tiket. Ang Fearless Promotions nina Jomari, Ronald at Ryan Luis Singson ang producers nito. 

vuukle comment

ALFRED VARGAS

ALL ABOUT EVE

ANG BABAENG HINUGOT SA AKING TADYANG

BOARD MEMBER

DAVID ARCHULETA

DAVID COOK

DINGDONG DANTES

FEARLESS PROMOTIONS

HOLY WEEK

MALL OF ASIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with