'Hindi na nila kailangang magpakasal' - Eric
MANILA, Philippines - Sa Hong Kong na based si Eric Quizon at umuuwi lang ng bansa ‘pag may taping siya ng All About Eve. Hindi niya natanggihan ang offer dahil maganda ang role, maganda ang cast at first week script pa lang, natuwa na siya at reading the second week script, gusto na niyang mabasa ang week three.
Sa week four, babalik ang character niyang si Don Robert at marami silang sorpresa ni Katrina (Jean Garcia). Malalaman din kung bakit galit siya kay Frederico (Richard Gomez), kung bakit galit sa kanya ang anak na si Kenneth (Mark Anthony Fernandez).
Dahil based in Hong Kong, pinag-react namin si Eric sa isyu sa HK writer na si Chip Tsao. Sabi ni Eric: “Pabayaan na natin siya, dedma tayo sa mga ganung klase ng tao. Nag-apologize na siya, pero ang alam ko magpo-protesta ang mga Pinoy sa HK.”
Tinanong din namin si Eric sa hindi matuluy-tuloy na kasal ng amang si Dolphy at Zsa Zsa Padilla dahil sa problema sa annulment ng huli sa dating asawa.
“Sa akin, ke kasal o hindi, basta masaya sila, they don’t need to get married. Matagal na silang nagsasama at masaya sila sa kanilang relasyon. They don’t have to get married and I don’t think they need it,” pahayag ni Eric.
Sa HK maghu-Holy Week si Eric at aayusin na rin ang April 19 show nila nina Dolphy, Zsa Zsa, Epi Quizon, Vandolph at Boy 2 Quizon. Ang kikitain ay para sa Dolphy Aid Para Sa Pinoy Foundation na tumutulong magpaaral sa mga anak ng OFWs sa HK.
* * *
Big fan ni Thalia si Katrina Halili at gagawin nito ang lahat para makita ng personal ang actress. Na-excite si Katrina sa tsika ni Lolit Solis na nagi-entertain ng mga Pinoy fans si Thalia dahil nakapunta na ito rito.
Kuwento pa ni Katrina, pinanood niya ang Marimar, Rosalinda at ibang series ni Thalia at rason para tanggapin ang kontrabida role sa Marimar at magiging dahilan din para balikan ang pagkokontrabida. Gusto nitong gampanan ang role ni Pedra sa Rosalinda at payag uling maging bad girl ‘pag gaya sa role ni Sunshine Dizon ang ipo-portray.
Samantala, ending na ng Dear Friend bukas at sa SOP lang siya napapanood. Sa May pa siya bibigyan ng show, kaya may time siyang magpapayat at maglipat sa nabiling three-storey townhouse sa New Manila, kung saan may sauna room siya.
* * *
Ilo-launch sa April 24 sa Teatrino, ang Sine Direk Series, ang project na tutulong na muling sumigla ang local movie industry. Ang APT Entertaiment at Directors’ Guild of the Philippines ang nasa likod ng proyektong ito.
Darating sa launching ang cast at director ng six feature-length films: Joel Lamangan (Fuschia), Soxie Topacio (Ded Na Si Lolo), Lore Reyes (Litsonero), Peque Gallaga (Agaton & Mindy), Mel Chionglo (Bente) at Maryo J. delos Reyes (Kamoteng Kahoy). Sunud-sunod na ipalalabas ang nabanggit na pelikula mula April 29-June 3.
- Latest



















