^

PSN Showbiz

Marian mawawalan ng pahinga

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Natuwa si Annette Gozon-Abrogar, president at executive producer ng GMA Films sa nalamang present pareho sina SVP for entertainment TV ng GMA 7 at Annabelle Rama sa presscon ng Zorro, pero nalungkot ito nang malamang hindi man lang nagkita at lalong hindi nagkausap ang dalawa. Wish ni Ms. Annette na maayos na ang gulo ng dalawa’t ayaw daw ng network ang away-away.

 Samantala, ini-expect ni Ms. Annette na maganda ang box-office result ng Sundo dahil talaga namang nakakatakot ang pelikula na pinagbibidahan ni Robin Padilla.

Opening scene pa lang, sisigaw ka na sa takot at gulat at na-maintain ni direk Topel Lee at script ni Aloy Adlawan ang fear factor hanggang sa ending. Bawal ang kumurap at baka may ma-miss kayong eksena.

Inihahanda na ng GMA Films ang mga susunod nilang project at isusunod nila sa Sundo ang Spoiled Brat nina Ogie Alcasid at Michael V. co-production ito ng APT Entertainment at ’di pa mabanggit ang director dahil baka gawing trilogy ito.

 Magsu-shooting na rin si Sen. Bong Revilla ng Panday with Rhian Ramos and Iza Calzado as Bong’s leading ladies. May Marian Rivera-Dingdong Dantes project din silang naka-line up at Halloween presentation ang Ouija 2 na baka last horror movie ni direk Topel.

Gusto ni Annette na isama sa cast ng Ouija 2 si Richard Gutierrez, siya lang ang lalaki sa cast at kung tatanggapin, second horror movie ito ng actor after Sigaw.

Sa binanggit namin, baka magkatapat ang playdate ng Ouija at Tarot ng Regal Entertainment na tampok sina Dennis Trillo at Marian, sabi ni Ms. Annette, hindi nila tatapatan ang movie ni Mother Lily Monteverde. Kundi two days before ay two days after Tarot ang playdate ng Ouija 2.

* * *

Pang-August at birthday presentation nina Marian at Dingdong ang naisip na pelikula ni Ms. Annette para sa dalawa. Romance-comedy ang naisip niyang project, something light na siyang gusto ng mga fans.

Kung matutuloy lahat ang mga pelikulang gagawin ni Marian, wala siyang time magpahinga. Bale ba, sa April pa siya makakapag-shooting at tatapusin muna ang Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang.

Sa mga movie projects na naka-line up gawin ni Marian, makakapareha niya si Vhong Navarro, Dennis at Dingdong. Hindi pa alam kung si Pekto pa rin ang love interest niya sa Nieves na gagawing buong pelikula at entry ng Regal sa Metro Manila Film Festival.

Incidentally, kinilig ang mga fans nina Marian at Dingdong na kahit off-cam, Homer at Proserfina ang kanilang tawagan. Kahit nasa SOP sila at sa ibang show, ito pa rin ang tawag nila sa isa’t isa. Inamin din ni Dingdong na ’pag galit siya kay Marian, malutong na “Proserfina” ang tawag niya kay Marian.

* * *

Dumating si Iza Calzado sa premiere night ng Sundo bilang suporta kay Robin Padilla na kaibigan niya after Joaquin Bordado at sa kaibigan niyang si Sunshine Dizon na kasama niya ngayon sa All About Eve. Matinding magkaaway ang dalawa sa soap, but in real life, best of friends sila at lalong tumindi ang friendship after ng taping nila sa Singapore.

Tsika ni Sunshine, naglakad sila ni Iza at nakarating sila sa Lucky Plaza. Yun lang ang pahinga nila’t tuluy-tuloy ang kanilang taping. Hindi niya naramdaman ang Singapore at parang pumunta lang siya ng Cebu. 

vuukle comment

AKING TADYANG

ALL ABOUT EVE

ALOY ADLAWAN

ANG BABAENG HINUGOT

ANNABELLE RAMA

IZA CALZADO

MARIAN

MS. ANNETTE

ROBIN PADILLA

SUNDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with