^

PSN Showbiz

Manny at Ara nag-iwasan?

- SEEN SCENE -

SEEN : Flop ang concert ni Sheena Easton sa Araneta Coliseum noong Hu­webes.

Twenty four percent lang ng mga upuan sa Big Dome ang ino­kupahan ng mga manonood, 60% ang Fallout Boy concert noong Biyernes, 50% naman ang kay Peter Cetera noong Va­lentine’s Day at 66% ang Love to Love to Love show ng MYMP, Side A at Freestyle.  

SCENE : Grapes at wine ang special request ni BB Gandanghari sa kanyang mga fashion pictorials. Hindi siya gumagamit ng local brand ng make up.

SEEN : Titig na titig si Joko Diaz sa TV monitor dahil si Angelu de Leon ang guest sa Showbiz Central noong Linggo habang hinihintay niya ang unveiling ng billboard ng Totoy Bato sa GMA 7 compound.

Naputol ang panonood ni Joko sa kanyang ex-gilrfriend nang kantiyawan siya ni Tuesday Vargas.

SCENE : Ang balita na nagbabalak si Dina Bonnevie na kasuhan ang mga nagsulat ng balita na nagwala siya sa isang presinto dahil sa pagtatanggol sa kanyang dayuhan na kaibigan.

SEEN : Wala si Ara Mina sa presscon ng Totoy Bato. Wala rin ang kanyang pangalan at litrato sa publicity materials. Maiksi lang ang papel ni Ara sa serye.

Hindi rin sumipot si Manny Pacquiao sa presscon. Nag-iwasan?

SCENE : Walang kalatuy-latoy ang acting ni Christian Bautista sa episode ng Your Song Presents noong Linggo. Wala silang chemistry ni Karylle. Mag-concentrate na lang siya sa pag-awit.

SEEN : Umaalma na ang mga fans ni Toni Gonzaga. Hindi pa binibigyan ng bagong TV series si Toni.

Naiinip na ang kanyang mga tagahanga na ginagamit ang internet upang iparating sa management ng ABS-CBN ang kanilang reklamo.

vuukle comment

ARA MINA

ARANETA COLISEUM

BIG DOME

CHRISTIAN BAUTISTA

DINA BONNEVIE

FALLOUT BOY

JOKO DIAZ

LINGGO

TOTOY BATO

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with