^

PSN Showbiz

Kapuso stars negatibo sa droga

-

MANILA, Philippines - Negatibo sa drug test ang 11 teen stars ng GMA 7 na sumailalim sa pagsusuri nitong Huwebes sa Camp Crame bilang suporta sa pinaigting na kam­panya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.

Ito ang nabatid kahapon base sa resulta ng pagsusuri ng PNP-Crime Labo­ratory sa ‘urine samples’ ng mga Kapuso stars.

Kabilang sa lumitaw na malinis sa drug test sina Mark Herras, Ryza Cenon, Iwa Motto, Rainier Castillo, Mike Tan, Kevin Santos, Gino dela Peña, Victor Aliwalas, Paulo Avelino, Prince Stefan at Kaye Alipio.

Inianunsyo naman ni Interior and Local Govern­ment Secretary Ronaldo Puno na negatibo sa drug test ang naturang mga teen stars na sinabi nitong role model ng mga kabataan.

Sinabi ng Kalihim na ang 11 teen stars ay siyang unang batch ng mga artista par­tikular na ang mga kabataan na isasalang sa drug test.

Nauna nang sinabi ni Herras na ang pagsailalim nila sa drug test ay boluntaryo bilang suporta sa pinalakas na kampanya laban sa illegal na droga at upang pa­tunayan sa mamamayan lalo na sa kanilang mga fans na ayaw nila sa bawal na gamot. (Joy Cantos)

vuukle comment

CAMP CRAME

CRIME LABO

IWA MOTTO

JOY CANTOS

KAYE ALIPIO

KEVIN SANTOS

LOCAL GOVERN

MARK HERRAS

MIKE TAN

PAULO AVELINO

PRINCE STEFAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with