^

PSN Showbiz

DINGDONG MAHILIG SA MAY EDAD NA BABAE

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Tawa ang sagot ni Atty. Annette Gozon-Abrogar sa pagkaka-link niya sa kapwa abogadong si Bebong Muñoz, ang ex-boyfriend ni Jolina Magdangal. Obviously daw, hindi alam nang pasimuno ng tsismis na magkaibigan sila ni Bebong at professor siya nito sa law school.

Anyway, kinumpirma ni Ms. Annette na iko-co-produce nila ng APT Enter­tainment ang pagsasa-pelikula ng Ang Spoiled segment ng Bubble Gang o mas kilala sa tawag na Si Angelina at si Yaya nina Ogie Alcasid at Michael V.

Hindi namin natanong kung sino ang director ng project, pero sabi ni Ms. Annette, trilogy ito, may horror-comedy, drama-comedy at action-comedy.

* * *

Dagdag at hindi kapalit ni Kris Aquino si Ding­dong Dantes na endorser ng Goldilocks, ito ang nilinaw ni Pinky Yee, marketing director ng bagong endorse­ment ng actor. Mamaya sa SOP, ilo-launch ang TVC ni Dingdong para sa Goldilocks.

Isa lang ang popular bakeshop sa bagong endorsement ni Dingdong at balita namin, may dala­wa pang kasunod at sa first quarter palang ito ng 2009. Sabi ni Ms. Yee, pag-aaralan nila kung puwe­deng pagsamahing endorser sina Dingdong at Marian Rivera.

Samantala, tinanong si Dingdong ng kanyang five sexiest actresses at nagulat kami sa ilan niyang choices. Number one sa kanya si Gretchen Barretto na all-time crush niya’t bata pa lang siya’y type na niya at ’di nawala ’yon up to now.

Second si Eula Valdez at hindi niya makalimutan ang cover nito sa FHM na one of the best covers daw.

Ang third at fourth choice ni Dingdong ay ang Holly­wood actresses na sina Kate Beckinsale at Kate Hudson at pang-lima si Marian.

“Lahat kay Marian ay gusto ko pati ang kajologans niya. Kasama ’yon sa personality niya, exciting! Wala siyang dapat i-correct sa personalidad niya dahil nakilala ko siyang gano’n at nirerespeto ko siya,” paliwanag ni Dingdong.

Samantala, “Hindi ko siya nakita” at “hindi ko alam,” ang sagot ni Dingdong nang usisain ng press kung nagkita ba sila ni Karylle na nakita ng press sa coffee shop ng Shangri-La Hotel kung saan ginanap ang launching ng actor.

Gustong malaman ng press kung alam ni Karylle na nasa hotel din that time ang ex-boyfriend o nagkataon lang na doon din siya magka-kape.

* * *

Gamit na ni Mart Escudero ang SonyEricsson cellphone na Christmas gift ng girlfriend niyang si Jennica Garcia. Naawa raw ang nobya dahil sira at luma na ang dati niyang cellphone, kaya ’yon ang iniregalo sa kanya at hindi bilang kapalit sa worth P12,000 tuta na birthday gift niya rito at Hello Kitty pillow na Christmas gift naman niya.

Natutuwa si Mark dahil bukod sa Gagambino, mapapanood sila ni Jennica sa pilot episode ng season two ng Dear Friend entitled Bulong ng Puso na magpa-pilot sa January 18.

vuukle comment

ANG SPOILED

ANNETTE GOZON-ABROGAR

BEBONG MU

BUBBLE GANG

DEAR FRIEND

DINGDONG

EULA VALDEZ

GRETCHEN BARRETTO

MS. ANNETTE

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with