^

PSN Showbiz

Baron nagpiyansa

-

Isinampa kamakalawa ng aktor na si Baron Geisler sa Makati City Metropolitan Court ang P12,000 piyansa para sa pansamantala niyang paglaya kaugnay ng kasong acts of lasciviousness na isinampa laban sa kanya ng 21 anyos na dalagang si Patrizha Maree Martinez na anak nina William Martinez at Yayo Aguila.

Personal na humarap si Baron sa sala ni Judge Ronald Moreno na nag-utos sa kanya na bumalik sa korte sa Pebrero 3, 2009 para sa arraignment o pagbasa ng sakdal laban sa kanya.

Naunang inirekomenda ng Department of Justice ang pagsasampa ng kaso sa korte laban sa aktor matapos mapatunayang may basihan para siya isakdal alinsunod sa reklamo ni Patrizha.  

Sinabi ni Patrizha sa kanyang reklamo na hini­puan ni Baron ang kan­yang mga suso nang magkita sila sa Fiama Bar sa Makati City noong Abril 25 ng taong ito bukod sa inalok siya nito sa pakiki­pagtalik dito.

Pinabulaanan ni Ba­ron ang akusasyon kasa­bay ng pagsasampa ng kontra demandang unjust vexation laban kay Pat­rizha pero ibinasura ito ng DOJ.

Kapag napatunayan sa korte na nagkasala si Baron, namemeligro siyang makulong nang anim na buwan hang­gang anim na taon bukod sa posibilidad na pagba­yarin siya ng danyos pinsala. (Michael Punongbayan)

vuukle comment

BARON GEISLER

DEPARTMENT OF JUSTICE

FIAMA BAR

JUDGE RONALD MORENO

MAKATI CITY

METROPOLITAN COURT

PATRIZHA

PATRIZHA MAREE MARTINEZ

SHY

WILLIAM MARTINEZ

YAYO AGUILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with