^

PSN Showbiz

Mahinhin vs Mahinhin iri-remake ni Ogie

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Bukas na dapat ang first day shooting ng Save the Best for Last, pero mukhang mauurong ang pagsisimula ng pelikula dahil nag-resign ang director ng project na si Joey Reyes.

Noong Lunes lang nakahanap ang GMA Films nang ipapalit sa kanya at ito’y si direk Joel Lamangan.

Kahapon, nag-meeting sina direk Joel at Annette Gozon at tiyak na isa sa pinag-usapan ay ang script ng pelikula. Dahil si Joel na ang direktor, hindi kami magugulat kung si Roy Iglesias na ang scriptwriter ng Valentine’s Day presentation ng GMA Films.

Dahil nagpalit ng direktor, makasama pa kaya sa cast ng movie si Marvin Agustin na excited makatrabaho sina KC Concepcion at Richard Gutierrez?

* * *

Disappointed si Ruffa Gutierrez na hindi ayos Lugaluda si Ogie Alcasid sa second presscon ng Desperadas 2. Ang ikinatuwiran ng nobyo ni Regine Velasquez, matagal ang makeup at may taping siya ng Bubble Gang that day.

Idinaan ni Ogie sa biro ang mga sagot sa tanong sa lips to lips nila ni Carlo Guevarra sa Desperadas 2. Ayaw daw niyang pag-usapan at baka magustuhan niya at nagba-blush siya tuwing natatanong tungkol do’n. Tawanan ang press sa inaming mahirap magpagulung-gulong sa buhangin na katawan ng lalaki ang kadikit. Panay ang biro nito sa leading man na nahihiya at siya’ng nagba-blush.

Na-touch si Ogie na sa gitna ng presscon, nagsalita si Mother Lily (Monteverde) at nag-sorry dahil hindi siya natuloy sa Zsa Zsa Zaturnnah (ZZZ).

“I failed him in ZZZ at nagsu-sorry ako sa kanya,” sabi ng lady producer na tinanggap naman ni Ogie.

Mukhang babawi kay Ogie si Mother Lily dahil nakakasa na ang next movie nito sa Regal at ito’y ang remake ng Mahinhin vs. Mahinhin na “of course” ang sagot ni Ogie kung kanyang tatanggapin dahil magandang pelikula raw ito.

Pero, uunahin yata nila ni Michael V. ang movie adaptation ng Ang Spoiled segment ng Bubble Gang kung saan gumaganap silang sina Angelina at yaya, respectively.

“Nakakatuwa, very popular sina Angelina at si yaya at mas sikat na si Angelina kay Ogie. ’Pag dumarating ako sa taping as Ogie, walang pumapansin sa akin, pero ’pag nakaayos Angelina na ako at naka-pig tail, ang daming nagpapa-picture,” kuwento ni Ogie.

* * *

Nang makausap si Maricel Laxa sa presscon ng Magkaibigan, hindi nito masagot kung tuluy-tuloy na ang pagbabalik-pelikula niya dahil wala pa siyang bagong offer. Pero may kasunod siyang movie na ipalalabas, ang Litsonero na kasama sa Sine Direk ng DGPI at APT Film Series ng APT Entertainment ni Tony Tuviera.

Aliw ang kuwento ni Maricel na ’pag presscon ng Magkaibigan, kumakain na siya sa bahay nila para hindi ma-tempt kumain ng meat. Sa shooting, nagbabaon siya at ’di nakumbinse ni Sen. Jinggoy na kumain siya ng dala nitong litson, kare-kare at iba pang meat dishes.

Matagal ng vegetarian si Maricel at hindi na niya hinahanap ang meat. Kinailangang baguhin niya ang diet nang magkasakit sa gall bladder. Organic fruits, vegetables ang kinakain niya, pero hindi niya pinipigilan ang asawa at mga anak na kumain ng meat. Hindi na rin sila gumagamit ng microwave. She feels lighter and healthier daw na walang meat sa kanyang diet.

* * *

Sa Christmas with the Baby episode ng Moms, ikukuwento nina Carlene Aguilar, Weng Ibarra at Janna Viktoria ang malaking sayang ibinigay sa kanila ng kani-kanyang mga anak ngayong Kapaskuhan.

Sa Q-11 napapanood ang Moms, 5 p.m., Monday to Friday with Lani Mercado, Sherilyn Reyes and Manilyn Reynes as hosts.

vuukle comment

ANG SPOILED

ANNETTE GOZON

BUBBLE GANG

CARLENE AGUILAR

CARLO GUEVARRA

DAHIL

MOTHER LILY

OGIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with