^

PSN Showbiz

Parang kuwentong komiks noon

SHOWBIZ MISMO - Cristy Fermin -

Parang kuwentong-komiks lang, pero sumu­sumpa ang aming impormante na totoong-totoo ang nangyari noon sa isang kilalang magkarelas­yon sa showbiz, nangyari ang insidente nu’n nung mga panahong may ibang aktres na kinalolokohan ang bidang lalaki sa kuwentong ito.

Litanya ng aming source, “E, bata pa noon si ____(pangalan ng kasalukuyang ka-live-in ng aktor), kaya natural lang na mainit pa siya. Meron pa siyang mga biological needs na kailangang ibigay nung aktor.

“Kaso, pumasok na sa eksena noon ang isang bagong aktres sa buhay ni ____(pangalan ng sikat na aktor), bagong putahe yun, kaya natural lang na nandun ang attention ng lalaki.

“May ginagawang gimmick yung aktor para maiwasan niya ang pakikipag-lovemaking sa ka-live-in niya, pinasukan niya ng drama ang sitwasyon. Tuwing malapit na siya sa bahay nila, humihingi na ng salonpas ang aktor sa alalay niya.

“Gugupitin na nila yun para maitapal nung aktor sa magkabilang sentido niya. Pagdating niya sa bahay, nagdadrama siyang parang maysakit, pagod na pagod, kaya nakukunsensiya naman yung girl.

“Natural, meron palang dinaramdam ang ka-live-in niya, wala naman siyang awa kung magya­yaya pa siya, di ba? Ganun ang palaging drama nung aktor, naglalagay agad siya ng salonpas kapag pauwi na siya para makaligtas sa pagyayaya ng ka-live-in niya.

“Nabuking na lang nung aktres ang drama niya nung pumutok na ang balita tungkol sa relasyon nung aktor at nung actress-singer, nun lang naisip ng girl na kaya pala laging nagdadahilan ang lalaki, meron na palang ibang pinagkakaabalahan!” kuwento ng aming impormante.

Galit na galit noon ang aktres sa actress-singer, ahas ang tawag niya sa bagong babae sa buhay ng ka-live-in niya, kung minsan naman ay tinatawag niya ito ng anaconda.

Magaling talaga magdrama ang aktor, naniwala naman ang kanyang ka-live-in, pero may banta ang aktres sa actress-singer na nang-ahas sa kanya.

“Kapag may bago na siyang babae, ikaw naman ang makakaranas ng mga dramang ginawa niya sa akin!” sabi niya.

Pero matatag ang relasyon ng aktor at ng actress-singer, hanggang ngayon ay sila pa rin ang magkarelasyon, sa kabila ng mga pagsubok ay matatag pa rin ang pundasyon ng kanilang pagma­mahalan.

Ha! Ha! Ha! Nakakainis!

* * *

May nakapagsabi sa amin na pagpaparamdam lang daw ang ginawa ni Diether Ocampo kaugnay ng balita ng paglipat niya sa GMA 7, binulabog lang daw ng aktor ang kamalayan ng mga bossing ng ABS-CBN, parang sinasabi lang nang patagilid ng aktor na nandiyan lang siya at meron naman siyang talento kaya huwag naman sana siyang pagdamutan ng trabaho ng mga nangangalaga sa kanyang career.

Pumutok ang balita na pumirma na ng kontrata sa GMA 7 si Diether nung Lunes nang gabi, apat na taong kontrata ang napabalitang pinirmahan niya, pero ayon naman sa Star Magic ay nasa kanila pa rin si Diet.

Malinaw ang mensahe ni Rikka Dylim, “Diet remains in Star Magic. We trust he will make the right choice.”

Ibig sabihi’y hindi pa pumipirma ng kontrata si Diet sa Siyete, hanggang ngayon ay nasa Star Magic pa rin siya, kahit pa matagal nang tapos ang kanyang kontrata sa kumpanya.

Anumang oras ngayon ay magpapalabas na raw ng official statement ang Star Magic tungkol sa pinagpipistahang kuwento ng paglipat ni Diet sa GMA 7.

vuukle comment

AKTOR

DIETHER OCAMPO

LANG

NAMAN

NIYA

NUNG

RIKKA DYLIM

SIYA

STAR MAGIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with