^

PSN Showbiz

T ni Ogie inipit

-

Ang mataas na takong ng sapatos na suot ang nagpahirap kay Ogie Alcasid sa shooting ng Desperadas 2 dahil hindi siya sanay. Tinuturuan siya nina Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto, Marian Rivera at Iza Calzado kung paano maglakad na naka-high heels at kundi lang daw siya nahiya kay Mother Lily Monteverde, baka nag-back out siya sa pelikula.

Okey lang kay Ogie ang two-hour body make-up at pati nga ang lips to lips nila ni Carlo Guevarra ay hindi inatrasan. Pumayag din siyang may ipiting priba­dong parte ng kanyang katawan para magmukha siyang babae talaga. Tuwang-tuwa ang mga nakakita sa kanya sa shooting nila sa The Fort at talagang pinagkaguluhan ang singer-composer.

Incidentally, tumutulong sina Ogie at Regine Velas­quez kay Judy Ann Santos na makalikom ng P5 million para sa pagla-lobby ng Ploning na makapasok sa Oscars. Noong Wednesday nagluto si Judy Ann sa bahay ni Regine at si Songbird at si Ogie ang nag-imbita ng kanilang mga kaibigan para mag-dinner at mag-donate at successful daw ang gabing ’yon.

* * *

Narinig ni Rufa Mae Quinto na tinatanong si Marian Rivera ng press sa pagiging 2009 Ginebra San Miguel Calendar girl niya at nabanggit nitong siya ang first endorser ng GSM noong 1997. Natuwa itong kasama sa Desperadas 2 ang bagong endorser nito.

 Magkakasama pa rin sina Rufa Mae, Marian, Iza Calzado at Ruffa Gutierrez sa Desperadas 2 at nadagdag si Ogie Alcasid as their long-lost half-sister.

Inalam namin kay Rufa Mae kung susundin ang billing ng unang Desperadas at naalala naming nagkaroon pa ng isyu kung kaninong pangalan ang mauuna at mahuhuli at lalagyan ng “and” bago ang pangalan. (Nitz Miralles)

vuukle comment

CARLO GUEVARRA

DESPERADAS

GINEBRA SAN MIGUEL CALENDAR

IZA CALZADO

MARIAN RIVERA

OGIE

OGIE ALCASID

RUFA MAE

RUFA MAE QUINTO

RUFFA GUTIERREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with