^

PSN Showbiz

Ipon ni Kitkat ninakaw ng bf

SHOWBIZ MISMO - Cristy Fermin -

Kahapon ng umaga ay nagpunta sa himpilan ng pulisya ang komedyanang si Kitkat para ipagbigay-alam ang pagnanakaw sa kanya. Ang inaasahan namin ay akyat-bahay gang ang kanyang isusum­bong, pero nagulat kami, mismong boyfriend pala niya nang anim na taon ang ipina-blotter niya.

Ayon sa komedyana ay anim na taon na silang mag­karelasyon ni Alfred Lumanlan, pero pinagna­kawan pa rin siya nito, ang dahilan ay ang pagka-casino ng lalaki.

Ikinuwento rin ni Kitkat na nung nakaraang linggo lang ay pinag-withdraw pa siya nito nang P130,000, kailangan daw magbayad ng kanyang boyfriend sa mga credit card bills nito, binigyan niya ng pera ang lalaki.

Kaso, nung dumating ang bill ng lalaki ay nakita niya, hindi naman pala nito binayaran ang pagka­kautang. Kinompronta niya ang lalaki, nagkaroon sila ng pagtatalo, hanggang sa dumating na nga ang pangyayari kahapon ng umaga.

Ayon kay Kitkat ay tinangay ni Alfred ang kanyang mga alahas, pinakialaman nito ang mga pinaghirapan niyang ipundar, kaya nagdesisyon siyang mag-report na sa pulisya.

Nakakahiya ang pangyayaring ito kung tutuusin, puwedeng ikapahiya ni Kitkat ang senaryo, pero kahanga-hanga pa rin ang komedyana sa pagiging totoo niya.

Hinahawakan niya ngayon ang passport ng lalaki, sisiguruhin daw niyang hindi ito makalalabas ng bansa, para panagutan ang ginawang kasalanan sa kanya.

Si Kitkat pa naman, kahit anong klase ng trabaho basta legal ay pinapasukan niya, basta kumita lang siya. Kahit malalayong probinsiya ay ginagalugad niya para lang madagdagan ang kanyang naiipon.

Pero nakalulungkot, ang perang napakatagal niyang inipon ay tinangay ng kanyang boyfriend, ayon kay Kitkat ay P250,000 daw ang natangay nito kasama ang kanyang mga alahas.

Anim na taon na ang kanilang relasyon, hindi na bubot ang panahong pinagsaluhan nila kung tutuusin, pero hindi naging dahilan yun para pahalagahan ng lalaki ang kanilang relasyon.

* * *

Anumang araw ngayon ay aalis papuntang Amerika si Marlon Bautista para bumili ng van para kay dating Senador Ramon Revilla, Sr.. Maraming mabibiling van dito, pero iba ang sasakyang kailangan nilang bilhin para sa maysakit na dating senador, yung kumpleto na parang ginagamit sa 911 sa Amerika.

Nakakita na kami ng ganung van, parang ambu­lansiya na rin ito dahil puwedeng maglagay ng oxy­gen, meron na ring maliit na hospital bed dun at lalag­yan ng wheel chair.

Kapag ibinababa ang pasyente ay merong parang riles yun na ibababa lang para maging daanan ng kama o wheel chair. Kumportable nga naman ang ga­nun, maipapasyal nila ang kanilang ama, lahat ng ikaayos ng kundisyon ng dating senador ay ginagawa na ng magkakapatid.

Si Princess Revilla ang gagastos para sa natu­rang van, alam daw niya na meron namang pambili ang daddy niya, pero gusto niyang magkaroon ng partisipasyon para sa paramedic van.

Nasa kanilang mansiyon na sa Cavite ngayon ang dating senador, tinanggal na ang kanyang NGT sa ilong, paunti-unti ay nakalulunok na rin ito ng liquid.

Ang laging pinakamahirap kay Princess ay ang pagpapaalam sa kanyang daddy para aasikasuhin naman ang kanyang mga anak, umiiyak ang matan­da, pero hindi pa rin ito nakalilimot na magbuo ng mga salita sa kanyang alphabet chart.

“I-N-G-A-T. T-Y.” Ganun ang palaging sinasabi kay Princess ng kanyang ama bago siya umalis sa kanilang mansiyon.

“Sinasabi ko na po sa mga bata, everyday, pupun­tahan ko si daddy sa Cavite. Hindi po ako mapakali kapag hindi ko nakikita ang daddy ko,” nangingilid ang luha na kuwento ng maganda pa ring si Princess Revilla.

Hangad namin ang mabilis na pagbuti ng kalagayan ng dating senador.

vuukle comment

ALFRED LUMANLAN

AMERIKA

AYON

CAVITE

KANYANG

KITKAT

NIYA

PARA

PERO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with