Angelika dapat maghinay-hinay na
Hindi shocking ang pag-amin ni Angelika dela Cruz na three months pregnant siya. Ang importante, pinakasalan siya ng kanyang boyfriend. Hindi siya katulad ng ibang girls na nabuntis pero hindi pinanagutan ng mga karelasyon nila dahil may asawa ang mhin. Ang umaray, guilty!
Dapat maghinay-hinay sa pagtatrabaho si Angelika. Iwasan niya ang magpuyat sa taping. Naglalagare pa naman siya sa mga tapings ng La Lola at Una Kang Naging Akin.
* * *
Alam n’yo ba na pagkatapos bigyang pansin ang lumalalang problema sa piracy, ang problema naman sa lansangan ang pinagtuunan ng atensyon ni Cong. Irwin Tieng ng Buhay partylist sa pamamagitan ng pagsulong ng House Bill 4917 or Anti-texting While Driving Act of 2008.
Ang bill ay nagbabawal sa paggamit ng cellphone habang nagmamaneho. Kasama sina Reps. Rene Velarde and Ma. Carissa Coscolluela, naniniwala si Cong. Irwin na ang paggamit ng cellphone habang nagmamaneho ay mas malala pa sa pagmamaneho ng lasing.
Sa Pilipinas, bukod sa Quezon City at Makati na may ordinansya na nagbabawal sa paggamit ng cellphone habang nagmamaneho, wala pang batas na ipinapatupad para dito.
Sa ibang bansa, marami nang napatupad na katulad ng ganitong batas na nagbabawal sa paggamit ng cellphone habang nagmamaneho.
Kapag naaprubahan ang batas sa Pilipinas, ang mga mahuhuli ay pagmumultahin ng mula P5,000 hanggang P100,000 o ikukulong ng isang araw hanggang anim na buwan, depende sa desisyon ng korte.
* * *
Kabilang si Tonton Gutierrez sa mga maraming nalungkot nang malaman niya na pumanaw na kahapon ang direktor na si Khryss Adalia.
Favorite director ni Tonton si Khryss. Tinawagan pa niya ako noon nang makarating sa kanya ang balita na may kanser si Khryss.
Nakikiramay ako sa naiwanang pamilya ni Khryss. Hindi ko pa alam ang mga detalye ng kanyang burol pero siguradong ibabalita ko sa inyo.
* * *
Sosyal si DJ Mo dahil kagagaling lamang niya mula sa Paris, France. Kasama niya sa pagliliwaliw ang magdyowang doktor, sina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho.
Parang kailan lang nang magbakasyon si Mo sa South Africa at ang magdyowa rin ang kanyang kasama, pati na ang mag-inang Zsa Zsa Padilla at Zia Quizon.
* * *
Love ni Mother Lily Monteverde si Lovi Poe kaya siya ang nag-sponsor ng mini-presscon para sa major concert ni Lovi sa Music Museum sa October 16.
Kabado at excited na si Lovi sa kanyang Love Bloom concert. Kakaibang Lovi raw ang mapapanood dahil magiging daring na siya.
Nineteen years old na si Lovi kaya can afford na siya na magpaseksi sa sariling concert niya.
Special guests sina Ogie Alcasid, Jay-R, Dennis Trillo at Aljur Abrenica. Buy na kayo ng tickets dahil malapit na raw maubos. Pinakyaw kaya ni Jolo Revilla?
- Latest























