^

PSN Showbiz

Dating aktor big time sa Guam

RATED A - Aster Amoyo -

GUAM, USA — Matunog na matunog na dito sa Guam ang live show presentation ng ASAP ’08 ng ABS-CBN na gaganapin sa University of Guam Field House bukas (Sabado, October 11) sa ganap na ika-8 ng gabi. 

Ito’y produced ng Metro Pacific Productions ng Guam sa pakikipagtulungan ng ABS-CBN.

Ang dating actor at miyembro ng Star Circle Batch 3 at Guam-based na si Bojo Molina ang isa sa apat na managing directors ng Metro Pacific Productions na kinabibilangan din ng Fili­pino-Chinese businessman na si Emelio Uy, ang tinaguriang Godfather ng mga Pinoy sa Guam.

Ayon kina Emelio at Bojo na aming naka-lunch (along with Bojo’s lovely wife, Jen and two kids) last Saturday sa Sheraton Hotel sa Tamuning, ang pagda­ting sa Guam ng ASAP family ang maitutu­ring na pinakamalaking live production dahil 33 stars (ng ABS-CBN) ang lilipad dito para magtanghal at kabilang dito sina Martin Nievera, Vina Morales, Piolo Pascual, Luis Manzano, Angelica Panganiban, Toni Gonzaga, Sam Milby, Anne Curtis, Rafael Rosell, Gerald Anderson, John Prats, Rayver Cruz, at iba pa. 

 Ang buong entourage ay naka-billet sa Sheraton Hotel kung saan din nagkaroon ng special perfor­mance ang grupo ni Richard Merk ganoon din ang grupo nina Bert de Leon at John Lesaca na naka­sabay pa namin sa eroplano patungong Guam. 

Gusto sana naming panoorin ang special show ng magkahiwalay na grupo nina Richard, Bert at John pero nagkaroon naman kami ng dinner with Embassy Club owners na sina Heidi Reyes at Marie Centeno at meeting sa may-ari ng Karisma Lounge na si Engr. Winnie Gallega.

Kahit ilang araw lang kami dito sa Guam, enjoy kami dahil bukod sa aming mga kaibigan, nakakapag-relax kami nang husto dahil napakatahimik dito at walang traffic. 

Nakukuha pa naming makapamasyal sa iba’t ibang shopping centers tulad ng Micronesia Mall (pinakamalaking mall dito sa Guam na pag-aari ng business tycoon na si Lucio Tan), GPO o Guam Premium Outlet, Galleria DFS at K-Mart. 

 Meron ding SM Store dito na pag-aari ng mall magnate na si Henry Sy pero hindi ito mall at hindi gaanong puntahan ng mga taga-Guam at mga turista dahil wala ito sa linya ng mga shopping buses. 

Bawat balik namin sa Guam ay may bago kaming karagdagang kaibigan at isa na rito ang restaurant manager ng PIC o Pacific Island Club na si Rommel Legaspi na kaibigan ng grupong Black Pearl Band na regular namang nagtatanghal sa Karisma Lounge. Second timer na bale sa Guam ang Black Pearl Band na may strong following na rin dito.

Si Bojo ay isang disc jockey (DJ) sa isang FM radio station dito sa Guam at siya rin ang tumatayong marketing head nito. 

Dito na rin sa Guam based ang sexy starlet na si Aila Marie na ang mister ay isang diborsiyadong pulis dito na isa ring Pinoy. 

Dito na rin sa Guam namumuhay ang dating nakilalang singer na si Rosalie Robles na ang asawa naman ay isang telecom big boss. 

May isang anak na lalaki si Rosalie sa kanyang unang mister at isa ring anak na lalaki sa kanyang second husband. Ang dalawang anak ni Rosalie ay parehong nag-aral sa mainland USA.

SA liit ng Guam, halos magkakakilala ang mga Pinoy dito. Sa mga turista rito, nangunguna ang mga Ko­reans, pangalawa ang mga Hapon at pumapa­ngatlo ang mga Pinoy.  

Saan ka man mapunta rito sa Guam ay may ma­ka­kasalubong at makakasalamuha kang Pinoy. Mula sa mga taxi drivers, bus drivers, sa mga restaurants, hotels at maging sa shopping centers, kara­mihan sa kanila ay mga Pinoy kaya parang extension ang Guam ng Pilipinas. 

Tulad sa Pilipinas, uso rin dito sa Guam ang hilaan at siraan among the Filipinos.

Samantala, biglang nagbalik-tanaw kami noong isang taon noong narito rin kami ng daughter kong si Aila Marie. Nagpang-abot kami rito nina Daboy, Lorna Tolentino at dalawa nilang anak na sina Rap-Rap at Renz. 

Kung hindi kami nagkakamali, iyon na ang huling biyahe ng mag-anak na buo sila. Napakasaya nila sa kanilang one-week vacation dito at nakapag-bonding sila nang husto. Nagkaroon din kami ng one-day bonding sa pa­mil­ya na naka-billet noon sa Outrigger Hotel na kaharap lamang ng DFS sa may Tumon. 

Although may sakit na noon si Daboy, animo’y wala itong sakit ha­bang sila’y namamasyal, nagsu-swimming sa beach at nagsa-shopping. 

* * *

Personal: Ang aming pasasalamat kina Marie Centeno, Heidi Reyes, Emelio Uy, Rommel Legaspi, Winnie at Bong Gallega at sa mag-asawang Bojo at Jen Molina.

* * *

[email protected]

vuukle comment

AILA MARIE

BLACK PEARL BAND

DITO

EMELIO UY

GUAM

KAMI

PINOY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with