^

PSN Showbiz

Dingdong True Love Na Si Karylle

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Nagpadala ng bulaklak at mass card ang pamilya Magdangal sa pamilya Concepcion bilang pakiki-dalamhati sa pagpanaw ni Mr. Rollie Concepcion, ama ni Gabby Concepcion. Matatandaang may conflict ang actor kina Jolina Magdangal at ama nitong si Mr. Jun Magdangal dahil sa pagba-backout ni Gabby sa I.T.A.L.Y.

Hindi na pumunta sa burol sina Mr. Magdangal at Jolina dahil hindi pa nila nakakausap si Gabby tungkol sa conflict nila. Saka, pumuntang Taiwan si Jolina at ang ama madaling-araw ng Sabado para sa isang show at bukod doon, may konting sakit pa ang dalaga.

Nang makausap namin si daddy Jun, malumanay ang boses nito at mukhang wala ng galit kay Gabby.

Hopefully, tuluyan nang magka-ayos ang dala­wang kampo at maging magka-ibigan uli sila gaya ng dati.

* * *

Aalis sa October 8, si Dingdong Dantes para mag-best man sa kasal ng best friend niya since grade school sa San Francisco. Hanggang Oct. 15, siya roon at kailangang bumalik agad dahil gusto ng GMA Network na kompleto ang talents nila sa opening ng annex building.

Ang ina lang ni Dingdong ang kasama nito pag-alis at tuwang-tuwa raw dahil sa trip lang nila muling masosolo ang anak. Excited namang mag-best man ang actor na first time niyang gagawin at kinakabahan kung ano ang sasabihin sa couple.

Isa pang rason kung bakit kailangang bumalik agad si Dingdong ay ang shooting ng One True Love nila nina Marian Rivera at Iza Calzado. November 19 na ang playdate ng movie sa direksyon ni Mac Alejandre at dapat masunod ang shooting schedule. Si direk din ang nakaisip ng blurb ng movie na “True love can happen more than once in your lifetime. Puwedeng magkasunod at puwedeng magkasabay.”

Gusto rin ni Dingdong na narito siya sa pagtatapos ng Dyesebel sa October 17, after 26 weeks of airing, pero walang dapat ikabahala ang fans nila ni Marian dahil sila pa rin ang magka-pareha sa next soap nilang Ang Babaing Hinugot Sa Aking Tadyang.

Sabi pala ni Dingdong, nahanap na niya ang one true love niya, pero ‘di sinabi kung si Karylle ‘yun, kung ang ex niyang si Antoinette Taus o si Marian na sabi’y ka-MU niya.

“You just feel it at ‘di pina-plano. Inspiration ko siya. In fairness, to me I was in love with my previous girlfriends. We all shared something na ‘di ko makakalimutan,” pahayag nito.

Samantala, nabanggit ni Dingdong na may plano siyang mag-open ng pizza and burger joint. May pangalan na siyang napili pero ‘di sinabi dahil ‘di pa napapa-register at baka gamitin ng iba. Ayaw niyang mag-franchise at gusto’y magsimula sa maliit ang business niya at palalakihin.

* * *

 Biniro ng press si Kristel Moreno to stop growing dahil kung patuloy siyang tatangkad, mahihirapan ang ABS-CBN na hanapan siya ng kapareha. She’s 17 years old now and stands 5’6” at gusto nitong umabot siya sa 5’8”. Baka malampasan pa nito sa height ang crushes na sina Joem Bascon na kasama niya sa I Love Betty La Fea, at Carlo Guevarra.

May planong sumali sa beauty pageant si Kristel, pero sisiguraduhing handa siya at mag-i-enroll sa John Roberts Power para hindi mapahiya. Sa ngayon, sa showbiz muna siya para kumita, kaya tuwang-tuwa nang masa­ma sa comedy series kahit sumisikat siya bilang sekretaryang may putok sa kilikili.

Dati’y naiilang si Kristel ‘pag tinatawag ng fans na may putok, pero ngayon, masaya siya’t ang ibig sabihin noon, tumatatak sa viewers ang character niya.

vuukle comment

ANG BABAING HINUGOT SA AKING TADYANG

ANTOINETTE TAUS

CARLO GUEVARRA

DAHIL

DINGDONG DANTES

GABBY CONCEPCION

HANGGANG OCT

I LOVE BETTY LA FEA

IZA CALZADO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with