^

PSN Showbiz

Polo nagkuripot, sarili ang ire-regalo kay Jean

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Usapang birthday ang tsikahan namin nina Jean Garcia at Polo Ravales sa presscon ng Loving You dahil birthday ng actress sa August 22, at balak niyang magpa-party. Pasalamat din niya ang party sa blessings na patuloy na dumarating at kabilang ang patuloy na mataas na rating ng Dyesebel  na kasama siya.

 Tinanong namin si Polo kung ano ang birthday gift niya kay Jean? Pati ang actress, nagulat sa sagot nitong “Ang sarili ko.” Hindi namin alam kung nagtitipid lang ang actor at ang kanyang sarili ang ireregalo sa na nali-link sa kanya o may gustong ipahiwatig sa kanyang sagot. Ang madaldal na Jean, biglang tumahimik sa narinig na self-offering ni Polo. Ha-ha-ha!

 Sana, sinabi namin kay Polo na gustong magka-baby uli ni Jean at ‘yun din ang matagal nang request ng mga anak na sina Kutaro at Jennica Garcia. Payag kaya siyang maging ama ng next baby ng actress?

Kaya lang, mga katipo ni David Beckham ang gusto ni Jean na maging ama ng kanyang baby kung papipiliin.

“Guwapo si Beckham, athlete, mayaman at maganda ang katawan. Perfect siyang daddy, pero alam kong imposible, kaya ‘yung malapit na lang sa qualities niya ang hahanapin ko.”

Samantala, sa Aug. 20, na ang opening ng Loving You  kung saan may kissing scene, love scene at shower scene sina Jean at Polo. Sa Aug. 17, ang premiere night sa SM Megamall.

* * *

 Ginawa noong Lunes, sa GMA Network ang sabay na story conference at pictorial ng Sundo, na co-produced ng GMA Films at Viva Films. Kahapon naman ang first day shooting ng movie  na ang playdate ay last week ng October at Halloween presentation.

  Present sina Sunshine Dizon, Rhian Ramos, JC de Vera, Katrina Halili at Mark Bautista, pero  wala si Robin Padilla at may prior commitment. First time makita ng mga Kapuso talents si Mark, kaya sa gitna ng storycon at kodakan ang kuwentuhan ng kani-kanilang buhay.

* * *

 Darating si Michelle van Eimeren at dalawang anak nila ni Ogie Alcasid para manood ng 20/20  concert ni Ogie sa September 27, sa Araneta Coliseum. Ang sabi sa amin, sa concert week ito darating na magsisimula sa Sept. 22, at mag-i-stay ng ilang araw after the concert, kaya may time siyang makita ang mga kaibigan dito na matagal na ring hindi nakikita.

Ipinaalam pala ni Leo Dominguez, manager ni Ogie na makakabili na ng tiket sa concert ng singer-composer sa Ticketnet at Araneta Coliseum box-office. Ticket prices are at P3,000, P2,000, P1,500, P1,000, P500 & P250.

As promised, 20 ang guests ni Ogie sa concert at baka madagdagan pa habang papalapit ang concert. Kabilang sina Regine Velasquez, Gary Valenciano, Pops Fernandez, Janno Gibbs, Jaya, Kyla, Marian Rivera, Michael V.,  Joey Generoso of Side A Band, Nyoy Volante, Lovi Poe, Dennis Trillo, Iza Calzado, Tops Suzara, Rey Valera, Nonoy Zuñiga, Hajji Alejandro, Rufa Mae Quinto, at Rico Puno. Rowell Santiago directs at musical director si Gerard Salonga.

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

DAVID BECKHAM

LOVING YOU

OGIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with