^

PSN Showbiz

Jowang produ ni Xian, ‘di kinaya ang bashing

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nagaya na kay Xian Lim ang dine-date niya ngayong si Iris Lee na walang puwedeng makapag-comment kanyang Instagram. Kung si Xian in-off ng matagal na ang comment box ng IG, si Iris naman ay limited na ang puwedeng mag-comment.

Dati naman, open ang comment box ng IG niya, pero nang lumabas ang interview kay Xian sa Esquire PH kung saan, isa sa inamin ay da­ting sila ni Iris, binago nito ang setting ng IG.

Pati sa old post niya, noong hindi pa sila nagkaka-developan ni Xian, li­mited na rin ang makakapag-comment.

Ramdam ang galit ng fans ni Kim Chiu pati na ang ibang KimXi fans sa actor dahil may nanawagang i-boycott nila ang showing ng Playtime movie ni Xian. Kahit walang kasalanan, apektado nito ang mga kasama ng aktor sa Viva Films movie na sina Sanya Lopez, Faye Lorenzo, at Coleen Garcia.

Kasama rin sa ipinabo-boycott ang dinidireheng movie ni Xian na Kuman Thong lalo na at si Iris ang producer at magkasama sila sa shooting sa Thailand.

Buboy umapak sa Showtime, naka-move on sa pagkatsugi ng Tahanang

Nag-guest sa It’s Showtime ang cast ng Running Man para mag-promote ng show na premiere sa May 11 and 12.

Kabilang sa nag-guest sina Glaiza de Castro, Miguel Tanfelix, Ruru Madrid,  Buboy Villar,  Lexi Gonzales, Kokoy de Santos, Angel Guardian, at Mikael Daez.

Sina Glaiza at Buboy ay kabilang sa mainstay ng Tahanang Pinakamasaya na dating nakatapat ng IS at dahil wala na ang TP, sa IS na sila nag-promote.

Walang nangyaring kantyawan at masaya lang ang lahat.

Sobrang hyper pa nga si Buboy na nagbigay ng sample sa husay niyang magsayaw nang i-request ng hosts ng IS.

Nagsilbing reunion din ni Buboy sa ABS-CBN ang guesting niya rito dahil sa ABS-CBN siya nadiskubre bago lumipat sa GMA Network. For sure, hindi siya nagsisi sa paglipat niya dahil hindi siya nawawalan ng show.

Heto nga at kasama siya sa dalawang seasons ng RMPH.

Sa interview sa kanya, nabanggit na naka-move on na siya sa pagkawala ng TP na kung saan, nagustuhan ng viewers ang tandem nila ni Isko Moreno.

Sayang nga lang at maagang nawala ang show, pero malay natin at pagsamahin uli ng GMA ang dalawa sa isang show lalo na at part na rin ng Sparkle si ISKO.

Kim, tinawag na patron saint ng energy!

May bagong title si Kim Chiu, bigay ng kanyang fan at dahil kakaibang title, walang magrereklamo at walang babawi.

Tinawag si Kim na “Patron Saint ng Energy” dahil siguro hindi naubusan ng energy nang mag-mall show para i-promote ang ini-endorse niyang fast food chain na Chowking.

Sa video na pinost niya, makikita ang maraming tao sa kanyang mall show at nag-uunahang makalapit sa kanya.

May nag-voice-over na ‘wag magtulakan, bagay na hindi pinakinggan dahil lahat gustong makalapit sa kanya.

Sa sinabi ng fan na “Andito na po ang Patron Saint ng Energy. Lahat po mabibiyayaan. Wag magtulakan” ang sagot nito, “Sail!!!”

vuukle comment

XIAN LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with