^

PSN Showbiz

Miss X ni-remake para kay Katrina

RATED A - Aster Amoyo -

Ngayong tapos na ang primetime TV series  ng Babangon Ako’t Dudurugin Kita ng GMA 7 na nagtapos sa ere kamakailan lamang, muling babalik si Angelika de la Cruz sa pamamagitan ng TV remake ng Una Kang Naging Akin na unang pinagbidahan sa pelikula nina Sharon Cuneta, Gabby Concepcion at Dawn Zulueta at ito’y mapapanood sa afternoon block ng Sine Novela Presents.  Gagampanan ni Angelika ang papel na dating ginampanan ni Dawn na bida-contravida ang role.

Hindi issue kay Angelika kung nalilinya man siya sa mga controvida roles tulad ng kanyang ginampanang papel sa Babangon Ako’t Dudurugin Kita.

Samantala, kahit busy si Angelika sa kanyang acting career, hindi pa rin nito kinalilimutan ang kanyang talent sa pagkanta dahil in between her tapings ay naisisingit pa rin niya ang kanyang mga singing engagements. 

Unknown to many, singing talaga ang first love ni Angelika bago siya namayagpag bilang aktres.

* * *

Klinaro ng big boss ng OctoArts Films na si Boss Orly Ilacad na first and final choice talaga si Katrina Halili para sa remake ng Miss X, isa sa mga classic films ni Vilma Santos. 

Ang bagong version ng Miss X ay ididirek ng premyadong director na si  Gil Portes.

Tuwang-tuwa si Katrina sa magagandang break na patuloy na dumarating sa kanya. 

Kahit kumalas na siya sa pangangalaga ng GMA Artist Center, contract star pa rin siya ng GMA at isa sa mga executives ng GMA na si Rommel Gacho ang tumatayo niyang manager ngayon.

Excited na rin si Katrina na simulan ang kanyang Metro Manila Film Festival movie na One Night Only, isang romance-comedy mula sa panulat at direksyon ng multi-awarded at box office director na si Joey Javier Reyes.  Ito bale ang first project niya sa bakuran ng OctoArts kung saan siya nakapirma ng multi-picture contract.

Habang patuloy na tinatangkilik ang afternoon soap ni Katrina na Magdusa Ka, malapit na rin niyang simulan ang TV version ng Gagambino na pagtatambalan nila ni Dennis Trillo.

* * *

Gaano kaya katotoo ang balitang nakarating sa amin na mas pinaboran umano ni Lorna Tolentino ang alok ng ABS-CBN kesa sa GMA-7?  Kung matutuloy siya sa Dos, magkakaroon siya ng bagong teleserye at isang talk-show.  Isa kaya itong pang-umagang lifestyle talk show?

Tinapos muna ni LT ang ika-40th days ng pagyao ng kanyang mister na si Rudy ‘Daboy’ Fernandez at pagkatapos nito ay nakatakda siyang magtungo ng Holy Land bago niya harapin ang trabaho.

Hindi naman kaya magtampo ang GMA-7 kay LT, considering na si Manay Lolit Solis na isang certified Kapuso ang kanyang manager?

* * *

Personal :  Belated happy birthday sa aking brother na si Mario Amoyo nung nakaraang Martes, July 22.

vuukle comment

ANGELIKA

BABANGON AKO

DUDURUGIN KITA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with