^

PSN Showbiz

Rhian Ramos ‘ginagamit’ ang anak ng may-ari ng GMA 7

-

Nailang ang mga reporter na nag-interview sa isang actress sa presscon ng show nito’t may kasama itong bodyguard na nakabantay sa kanyang likuran. Ingat na ingat tuloy magtanong ang mga reporter, dahil feeling nila, any moment na may itanong silang intriga ay may biglang sisita sa kanila. Mas wild ang imagination ng iba, baka raw ‘pag nagtanong sila ng hot issue ay magalit ang bodyguard.

Hindi natanong ng press ang actress kung para saan ang kanyang bodyguard, eh, safe naman ang venue na pinagdausan ng presscon. Kung may kaaway man siya, takot lang nitong sumugod sa kampo ng mga sundalo.

Malabo ring sumugod ang ex-boyfriend ng actress sa presscon at alam na kasama ng actress ang mga magulang at pamilya. Saka, tinanggap na ng ex nitong tapos na ang relasyon nila at unti-unti na siyang nagmo-move on.

* * *

Isa si Diether Ocampo sa Bench endorser na rarampa sa Bench Denim & Underwear Fashion Show sa Araneta Coliseum sa July 25 at kahit presscon ‘yun ng Iisa Pa Lamang, ang inurirat ng press ay kung rarampa siyang naka-underwear?

Pero, kahit sinabihan ng best friend niyang si Claudine Barretto na may asim pa siya, hindi pa rin handang maging daring sa ramp si Diether.

“Abangan n’yo na lang kung ano ang isusuot ko. Abangan n’yo kung magba-boxer shorts ako o mag-a-underwear. Actually, ‘di ko alam ang isusuot ko,” wika nito.

Birthday ni Diether sa July 19, at balak nitong magpa-party sa press bilang pasasalamat sa patuloy na suporta sa kanya. Pasasalamat na rin sa maga­gandang project na dumarating sa kanya, kabilang ang Iisa Pa Lamang  na pinuri ang kanyang acting.

* * *

Naaawa na ang press kay Rhian Ramos na ayaw tantanan ng intriga at every week na lang, may isyu itong sinasagot. Ang ikinaganda lang, hindi na kailangan ng PRO ng young actress, dahil ang detractors na nito ang nagbibigay ng isyu para siya’y masulat at pag-usapan.

 Sa magkasunod na presscon ng Codename: Asero  at thanksgiving party at blowout ng Regal at GMA Films sa box-office success ng My Monster Mom, ang tsismis kay Rhian at kay Philip Gozon, anak ni Atty. Felipe Gozon ang itinanong sa young actress.

 May nagpadala na naman sa press ng picture ni Rhian kasama ang anak ni Atty. Gozon at sinabing ginagamit ito ng dalaga para magka-project sa GMA-7 at GMA Films. Kaya lang sa picture, hindi sweet ang da­lawa at sabi ni Rhian, mara­mi siyang nakasama sa kodakan, pero ang litrato lang nila ni Philip ang ipinapadala sa press.

* * *

Laugh trip si Annabelle Rama sa thanksgiving party ng My Monster Mom. May hinala siya kung sino ang naninira sa kanya, mga artistang flop daw ang pelikula at ayaw na niyang patulan.

“Sorry na lang sila at ako ang pinaka-bagong Box Office Star,” sabi nito.

Dalawang pelikula pa ang kontrata ni Annabelle sa Regal at na­ngako itong in her next movie, iiyak at sasayaw na siya para mas ku­­mita ang pelikula.

Between Manny Pacquiao and Eddie Gutierrez, ang asawa ang gusto niyang unang makasama.

Sa nabalitang ayaw na ni Jinkee Pacquiao na mag-pelikula pa si Manny, ang say ni Annabelle, “pagsisisihan nila ‘yun” na pinag­tawanan na naman ng press.

Safe raw sa kanya ang boxing champ at ‘di siya pagseselosan ni Jinkee. (Nitz Mirrales)

vuukle comment

ABANGAN

ANNABELLE

ANNABELLE RAMA

IISA PA LAMANG

MY MONSTER MOM

RHIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with