^

PSN Showbiz

Summer Station ID ng pagkakaisa

-

Nakaka-indak! Makulay! Star-studded! Ang nakakatuwang beat ay tila binabalik tayo sa panahon ng ating high school cheering competition. Muling ginulat ng Kapamilya Network ang buong sambayanan sa Summer Station ID nito ngayong panahon ng tag-araw! May temang One Team One Summer pinag-uusa­pan at pinanonood ng lahat.

Dahil nais patibayin ang tag­line na Team Kapamilya, guma­wa ang Creative Team ng Creative Communica­tions Manage­ment, sa pangunguna ng kanilang head na si Robert Labayen, ng isang Summer Station ID na magpapakita ng pagkakaisa hindi lamang ng mga Kapamilya stars kundi pati na rin ng mga non-showbiz personalities. Kasama sa bagong station ID ang mga grupong tulad ng UP Pep Squad, ang hip hop dance group na All-Stars, Dragon Boat Rowing Team at marami pang iba. Kinuha rin nila ang magaling at kilalang direktor na si Tots Sanchez-Mariscal, ang naging direktor ng fantaseryeng Lastikman.

Ayon kay Kathrina Sanchez, production manager ng nasabing proyekto kasama si Edsel Misenas, “gusto namin ipakita at ipadama ang mas malakas na team spirit among ABS-CBN, its stars and the audience na magkaroon ng stronger affinity ang audience sa Team Kapamilya. Kahit yung mga artista ay excited at masaya para mag-shoot ng ganitong project.”

Kasama ang mahigit kumulang na 70 celebrities, sinabi ni Kathrina na kakaiba ang Summer Station ID ngayong taon dahil sa unang pagkakataon ay may ilang Kapamilya na naka-bikini at mas daring.

Kahit ang kantang ginamit para sa Station ID, mula sa composer na si Marcus Davis, ay espesyal dahil re-lyric ito ng hit na kantang Boom Tiyaya mula sa ASAP Supahdance album. Limang araw lamang nag-shoot ang creative team kasama na ang susunod nilang shooting  ngayong Linggo para sa ilan pang Kapamilya stars. Iba’t ibang location ang kanilang pinuntahan at siyudad para sa shooting, mula UP Ampi Theater, Coconut Palace hanggang sa Boracay para sa wakeboarding scene ni Aga Muhlach.

Ilang  linggo pa lang ang nakakaraan mula nang unang ipalabas, isa na agad ito sa pinaka-pinapanood sa You Tube. Marami na rin ang nag-post nito sa kanilang mga Multipy accounts.

vuukle comment

AGA MUHLACH

AMPI THEATER

BOOM TIYAYA

CREATIVE COMMUNICA

CREATIVE TEAM

DRAGON BOAT ROWING TEAM

KAPAMILYA

SUMMER STATION

TEAM KAPAMILYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with