Southborder malaki ang problema
May magandang trabaho na sa Amerika ngayon si Duncan Ramos, dating bokalista ng Southborder, pero tuloy pa rin ang kanyang singing career dahil meron siyang pinagkakaabalahang album na kanya ang halos lahat ng komposisyon.
Maraming nagtataka at nagtatanong kung bakit umalis si Duncan sa grupo, samantalang napakalaki ng naiaambag niya sa banda, nagulat kami sa kuwento ng aming kaibigang Jobert Sucaldito.
Sinimulan nito ang pagbibilang sa mga naging bokalista ng Southborder, mula kay Brix Ferraris, kay Luke Mijares, hanggang kina Vince at
Ayon kay Jobert ay matindi raw kasi ang laglagan sa grupo, kapag sumisikat na ang kanilang bokalista ay dun na nag-uumpisa ang inggitan at insecurity, kaya sinisiraan na ng ibang miyembro nito ang bokalista.
‘‘Si Jay Durias ang pinaka-insecure sa kanila, si Jay kasi may ambisyon ding sumikat, kaya lang, magaling man siyang composer, e, wala naman sa kanya ang mga qualities ng sisikat na singer nang solo,’’ pahayag ng aming kaibigan.
Sa lahat ng mga banda ngayon ay ang Southborder ang pinakamadalas maghanap-magpalit ng bokalista, laging pilay ang grupo, dahil hindi tumatanda sa kanilang poder ang vocalist nila.
Si Joey Generoso pa rin ang magaling na bokalista ng Side A Band, pero ang Southborder ay nakakailang palit na ang bokalista, kitang-kita ang pruweba na matatag ang pundasyon ng Side A Band at hindi uso sa kanila ang inggitan at laglagan.
Kung ganun pala at inilalag din nila ang bokalista kapag sumisikat na, bakit hindi na lang si Jay Durias ang sumolo, tingnan natin kung kaya nitong dalhin ang Southborder.
Hindi lang ang bokalista nila ang umaalis, pati ang manager nilang si Cesar Buendia na napakalaki ng nagawang tulong sa grupo ay bumaklas na rin, may problema pala talaga sa grupong ito.
* * *
Ayaw sana naming magkumpara, pero kailangan naming gawin, dahil nung malaman namin ang naging problema ng mga bokalista ng Southborder sa kanilang mga kasamahan ay lalo naming hinangaan ang Side A Band.
Mula pa noon ay sinusundan na namin ang mga gigs ng grupo, sa Strumms, sa Versomina, sa Formula, sa Suburbia, sa Hard Rock at kung saan-saan pa. Ganun katindi ang paghanga namin sa Side A Band.
Si Tito Wyngard Tracy ang unang namahala sa Side A Band, ipinamana nito ang responsibilidad kay Tito Lito Fugoso, maganda ang samahan ng mga miyembro nito dahil kung hindi ay nagpabago-bago na rin
Nauso ang mga solo artist, nandiyan pa rin ang Side A Band, nauso ang rap, hindi natinag ang grupo, nauso ang mga novelty songs, nanatiling malakas ang kaway ng Side A Band sa ating mga kababayan.
Sabi nga ni Naldy Gonzales na keyboardist at band leader nila, ‘‘Hindi nawawala ang maliliit na argumento, pero kung walang ganun, walang growth ang grupo.
‘‘Pero wala yun, para sa aming lahat ang ganun, mas positive nga dahil kung meron man kaming nakakalimutang aspect ng musicality namin, maaga naming nasosolusyunan.
‘‘Walang personalan sa amin, napakalaki ng nagagawa ni Joey sa amin, ang success niya, success din naming lahat,’’ positibong pananaw ni Naldy.
Maraming show promoters ang lumalapit sa amin ngayon para kunin ang serbisyo ng Side A Band sa Europe at sa Canada, napakadaling kausap ni Tito Lito, basta kaya ng kanilang schedule ay wala itong kahirap-hirap kausapin.
Malalim na ang pagkakaibigan nina Joey, Naldy at Ernie Severino (drummer ng grupo), parang magkakapamilya na sila, sina Ned Esguerra naman (bassist) at Lee Von Gailao (lead guitars) na mga kasamahan nila ay dating tagasuporta na ng Side A Band kaya napakadali nilang nagkasundo-sundo.
Kagabi ay naging matagumpay ang kanilang show sa Metro Bar, ang Backstagepass Productions ang muling nagprodyus ng kanilang show, kapag Side A Band ang pinanood mo ay siguradong uuwi kang maligaya dahil sa galing nila.
Sa totoong-totoo lang.
- Latest





















