^

PSN Showbiz

Dyesebel ng Kapuso si Marian!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Sinabi na ng isa sa mga anak ni Mars Ra­velo na ang GMA-7 ang nakakuha ng rights ng Dye­sebel, kaya matitigil na ang tanu­ngan ng Kapamilya at Kapuso fans kung sino ang gagawa ng re­make nito.

Naka-line up ito for next year at nasulat nang ito ang susunod na gagawin ni Marian Rivera after Marimar. Ayaw pang mag-com­ment ng actress kahit ang manager niyang si Popoy Caritativo. Ka­pag tinatanong, pare­hong “Naririnig ko” ang sagot ng dalawa.

Kung kay Marian nga ibibigay ang Dye­sebel, hindi na mahihi­rapan ang Ch. 7 dahil maru­nong itong luma­ngoy, hindi takot ma­ara­wan, magbabad sa dagat at payag na ang buhok lang niya ang tatakip sa kanyang boobs.

Sa ngayon, sa Mari­mar muna ang focus ng actress at tuwang-tuwa ito at mga ka­sama sa telenovela dahil patuloy na sinu­subaybayan ng view­ers. This Wednes­day, magri-report ang im­bes­tigador kay Gus­tavo (Jes­toni Alarcon) na nakita na niya si Ma­rimar (Marian). Kaya lang, si Na­talia (Bian­ca King) ang ipapa­kilalang anak, pero malapit nang magka­kilala ang mag-ama.

* * *

Magandang tanu­ngin uli si Rayver Cruz sa isyung Shaina Mag­dayao at John Prats ngayong pati si Vina Morales ay umaming duma­dalaw ang actor sa kapatid. Sa pictorial ng Bahay Kubo, ayaw nitong maniwala sa tsismis dahil walang sinasabi ang ka-loveteam at gusto’y siya ang ma­kakita. Ano kaya ang comment nito na may indentical rings and watches daw ang da­lawa?

Natatandaan na­ming itinanggi rin ni Rayver na tatalikuran na ang show­biz at mag-aaral na lang sa Amerika dahil bro­ken-hearted kay Shaina. Sabi nito, kahit hindi maging sila, ‘di siya aalis da­ hil ma­lungkot mag-isa sa States at ‘di niya alam kung bakit may ganu’ng tsismis.

Ang TV remake ng Bagets ang next proj­ect ni Rayver sa ABS-CBN. Kahit hindi pa alam ang role, excited na siya’t ma­tagal si­yang napa­hinga. Nov­ember daw ang start ng kanilang taping.

* * *

Nag-rent na ng apart­ment sa may T. Mo­rato si Aljur Abre­nica para hindi na ma­hirapan sa almost daily taping ng Zaido. Driver at yaya ang kasama niya sa apartment at dinadalaw na lang siya ng mga magulang.

In-offer nitong maki-share ng apartment si Prince Stefan dahil na­aawa siya rito, pero tu­mang­gi ang ka­ibi­­gan dahil nahihiya. Kumi­kita na si Aljur sa mga shows niyang Zai­do, Boys Nxt Door at SOP, pero kaila­ngan pa rin niya ang fi­nancial help ng parents.

Pasalamat si Aljur sa GMA-7 na may prime­time show na siya at nag-promise na paghu­hu­sayan ang trabaho para hindi mag­sisi ang man­age­ment sa pag­sama sa kanya sa show. Hindi raw niya ini-expect na mabi­bigyan agad siya ng lead role.

* * *

Sasakit ang tiyan at panga ng mga mano­nood ng Ako Pooh Si K dahil magsasama ng galing sa pagpapatawa sina K Brosas at ang guest niyang si Pooh. Sa Ratsky Morato ang show sa October 20 at ngayon pa lang, mag-ipon na ng pambili ng tiket worth P500 at P350.

Bilib si K sa bilis pu­mik-ap ni Pooh, magaan din itong ka­ trabaho at masayahin, kaya wa­lang problema ‘pag sila’y magkasama. Ang galing sa timing at husay kumanta na­man ang nagustuhan ni Pooh sa kababayan.

Napapanood si Pooh sa Pangarap Na Bituin at John En Shirley, pero ang dream nito’y magkaroon ng stand-up comedy show sa TV at magkaroon ng channel for comedy only.

For ticket inquiries for Ako Pooh Si K, call Back­room at 4351098, 4351108, 4351120. Pro­ceeds is for the benefit of the Saint Joseph School Pandacan batch ’79 and ’83.

vuukle comment

AKO POOH SI K

ALJUR

ALJUR ABRE

BAHAY KUBO

BOYS NXT DOOR

DAHIL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with