^

PSN Showbiz

Richard, tinablan sa mga love scenes!

- Veronica R. Samio -
Sa halip na makaramdam ng hiya dahil inamin niya na nakaramdam siya ng totoong emosyon nang gawin nila ni Angel Locsin ang dalawang pinakamaiinit na love scenes nila sa The Promise, ang pang-Valentine movie ng GMA Films at Regal Entertainment, mas excited si Richard Gutierrez sa mga nasabing eksena.

"Katunayan ay nag-workshop pa kami ni Angel para sa mga eksenang ito na pakiramdam ko ay turning point sa aking career dahil natawid ko na yung pagiging TV star at ako ay naging isang tunay na aktor. Nalaman ko rin kung hanggang saan ko mai-stretch ang aking acting para ma-achieve ang realism sa portrayal ko ng aking character. So far, kuntento ako, wala akong mahihiling. Maging ang aking direktor ay nasiyahan sa aking trabaho.

"Ayaw kong ikumpara ang aking sarili at trabaho sa iba kaya nga di ko pinanonood ang Hihintayin Kita sa Langit para maibigay ang sarili kong atake sa role.

"Sa kabila ng realism na naibigay namin ni Angel, hindi nawala ang respeto ko sa kanya. Alam kong pareho kaming kinakabahan pero, ang matagal naming friendship ay nakatulong para maging kumportable kami sa isa’t isa," ani Richard sa 2nd presscon ng The Promise na ginanap sa isang napakamataong lugar tulad ng Dunkin Donuts sa Megamall.
* * *
Malaki ang pasasalamat ng La Mancha Pyro Productions, ang kumpanya na nagsagawa ng World Pyro Olympics kamakailan lamang dito.

Dahilan sa naging tagumpay nito kung kaya ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na at pinaplano ang 3rd World Pyro Olympics na maraming key cities sa bansa ang nagpakita ng interes para sa kanilang siyudad ganapin ang naturang event. Maging ang mga bansang Hongkong, Singapore at Malaysia ay interesadong i-host ang event.

Ang World Pyro Olympics ay isang international na paligsahan sa pagalingan ng pyrotechnics na nilahukan ng 10 bansa kasama na ang Pilipinas na nagpamalas ng fireworks exhibition. Nag-champion ang United Kingdom, habang ang bansang China ay binigyan ng special award for technical excellence and precision.
* * *
Ang Production 56 ni Maryo J. delos Reyes ay naghahanap ng mga magagandang female performers, 14-16 yrs/o na gustong ma-build up ang kanilang talents sa pagkanta, pagsasayaw at pag-arte.

Mula Peb. 14 maaaring mag-apply sa Productions 56 office, Unit 405 West Mansion Condominium,#3 Zamboanga St., Brgy. Nayong Kanluran, QC. Magdala lamang ng biodata, photo (close-up at full body, group photos para sa mga group applicants) at demo CD. Maari ring tumawag kay Joey Gosiengfiao sa (632) 3724505 o si Hydie sa (632) 4115615.

Ilan sa mga produkto ng Productions 56 ay sina Yul Servo, Nash Aguas, Masculados, Blumark Roces at ang bagong boy group na M-GAGE, now with Viva Records.
* * *
[email protected]

ANG PRODUCTION

ANG WORLD PYRO OLYMPICS

ANGEL LOCSIN

BLUMARK ROCES

DUNKIN DONUTS

HIHINTAYIN KITA

JOEY GOSIENGFIAO

LA MANCHA PYRO PRODUCTIONS

WORLD PYRO OLYMPICS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with