^

PSN Showbiz

Mia, Sunshine, away nang away

-
Hindi napigilang hindi ibulalas ng Sexbomb girl na si Sunshine Garcia na nababalitang nagrereyna-reynahan ngayon si Mia Pangyarihan sa opisina ng E Focus. Si Mia kasi ang kinokonsiderang epektibong kontrabida sa naturang grupo ng Sexbomb manager nilang si Joy Cancio. Si Mia ang ipinalit kay Sunshine, nung magkaroon ng attitude problem si Sunshine sa taping.

Okey lang daw kay Sunshine na may ipinalit sa kanya sa Moshi, Moshi noong mag-taping sa Japan dahil super hirap ang taping nila noon kaya’t super pagod ang inabot ng lahat.

Balitang lumalaki ang ulo ngayon ni Mia. Pasable kasi sa director nilang si Pat Perez ang mga ipinagagawang papel sa kanya. Maging ang scriptwriter na si Suzette Doctolero ay masaya dahil nabibigyang buhay ni Mia ang ginagampanan niyang character.

Hindi naman patatalo si Sunshine dahil pinapalakpakan din siya habang umaarteng kontrabida. So, hindi ito pwedeng solohin ni Mia, na siya na ang bagong reyna sa Daisy Siete kapag kontrabida ang paguusapan. Totoo bang nalulunod na si Mia sa mga papuring tinatanggap?

"Ah, basta, babawiin ko sa kanya ang korona ko. Pahiram lang ito at hindi ko ibinibigay," ani Sunshine.

– VIR GONZALES

vuukle comment

DAISY SIETE

E FOCUS

JOY CANCIO

MIA

MIA PANGYARIHAN

MOSHI

PAT PEREZ

SEXBOMB

SI MIA

SUNSHINE GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with