^

PSN Showbiz

Billy Crawford,darating at baka mag-concert dito

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -
Bago matapos ang Kapaskuhan ay nagpasabi si Billy Crawford na darating siya. Nauna nang dumating dito ang kanyang ina na si Mayette Crawford.

Sinabi ni Billy na pwede siyang magtagal dito kapag mayro’ng project para sa kanya, movie o kaya ay TV show. Pero kung wala ay babalik na lang siya agad ng US dahil mayro’n siyang tinatapos na album na kailangan din niyang i-promote.

May posibilidad din na baka mai-produce ko siya ng concert, ito naman ay kung hindi masyadong matagal ang gagawing paghahanda dahil nga sa may mga commitments siya sa ibang bansa.

Sinasabi nilang maliit ang Music Museum for Billy pero, sa kagahulan ng panahon ay baka dito ko lang siya mailagay, anyway pinag-uusapan pa namin ito ni Raul Laurente, yung dati niyang manager.
* * *
Nakakatuwa naman ‘tong si Hero Angeles at kahit di na nagso-showbiz ay hindi pa rin binibitawan ng kanyang mga tagahanga. Pinagbigyan nito ang paanyaya ko na sa Walang Tulugan siya magdaos ng kanyang birthday at dumating naman siya kasunod ang napakarami niyang supporters.

Wala naman akong makitang panghihinayag kay Hero na wala siyang assignments. Happy siya na mag-concentrate sa kanyang studies although may mga plans siya na magdirek, yes, magdidirek siya, next year. Malawak ang choices, pwedeng docu o full length, movie.
* * *
Bagaman at pabiro pero, naramdaman kong may laman yung tanong ni Bella Flores sa akin, kung bakit hindi sila nakasama nina Celia Rodriguez at Gloria Sevilla sa itinataguyod kong Walk of Fame.

Makakasama rin sila in the long run, hindi nga lamang pwedeng sabay-sabay sila dahil wala naman akong malaking pera para ipondo. rito. Oo nga’t may tumutulong pero kulang na kulang para sabaysabay silang mailagay dito.

Sana maintindihan nila na lahat sila ay mailalagay rito, sa tamang panahon. At kahit makakita ako ng financier, hindi rin lahat agad mailalagay, kailangan pakonti-konti lang.

BELLA FLORES

BILLY CRAWFORD

CELIA RODRIGUEZ

GLORIA SEVILLA

HERO ANGELES

MAYETTE CRAWFORD

MUSIC MUSEUM

RAUL LAURENTE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with