^

PSN Showbiz

Marvin Agustin type pa rin si Kristine Hermosa

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Magalit kaya si Diether Ocampo sa reaction ni Marvin Agustin nang makita nito ang girlfriend na si Kristine Hermosa sa presscon ng ‘Wag Kang Lilingon. Kaharap namin ni Jojo Gabinete si Marvin, say niya: "Ang sexy talaga ni Kristine, grabe," habang nakatalikod ang actress dahil naka-mini dress siya ng white.

Minsan din kasing nag-on ang dalawa. And believe it or not, si Marvin ang first boyfriend ng actress.

Mahilig pala talaga sa bagets si Marvin. That time, 21 na siya, si Kristine, 17 years old lang. Eh ngayon, si Pauleen Luna, he’s 27 at 18 si Pauleen.

Tawa lang ang reaction niya ro’n.

Anyway, for the first time, nag-open na si Marvin tungkol sa ina ng kanyang kambal na si Tetet Dy. Kahit kailan naman kasi, hindi nagsalita si Marvin about the mother of his twins. Wala pala talagang possibility na magpakasal sila ni Tetet dahil hindi naman nagtagal ang relationship nila. Parang casual lang, ang difference lang nagkaroon sila ng anak kaya very thankful siya. Kaka-celebrate lang ng first birthday ng kambal nila.

Basta ngayon naka-concentrate siya sa mga negosyo niya na. Next month, magbubukas siya ng bagong branch ng kanilang Japanese restaurant sa Rockwell at sa Ayala.

Doing good ang mga businesses ng actor.

Samantala, kasama pala niya sa kanyang condo ngayon ang kalalaya niyang father. Wala naman daw masyadong adjustments except minsan nagugulat pa rin siya na meron na siyang kasama sa bahay.

Annulled na pala ang marriage ng parents niya at malayo na itong magkabalikan.

To date, magiging busy ang papa niya sa negosyo. Ito na ang magiging distributor ng mga karne sa kanyang mga restaurant.

Matagal-tagal ding nakulong ang father ni Marvin kaya in a way, nagkaroon sila pareho ng adjustments nang magsama sila isa iisang house.

Anyway, mahaba naman ang role niya sa ‘Wag Kang Lilingon pero hindi ito sign na balik-ABS-CBN na siya. Pero lumilingon pa rin siya kung saan nagsimula kahit busy siya ngayon sa mga shows sa GMA 7.

Twinbill ang ‘Wag Kang Lilingon starring Kristine and Anne Curtis under Star Cinema.
* * *
True kaya ang narinig na kuwento ng isa kong friend tungkol sa isang preggy na yaya na nakatakdang mag-file ng case against sa isang TV host. Ina-accuse daw kasi ng rape ng nasabing yaya ang nasabing TV host na pinagtatakhan ng marami kung bakit pinagtatanggol pa rin ng marami kahit kabi-kabila na ang reklamo particularly ng station na kumukupkop sa kanya. Actually, lumabas na ang issue tungkol sa isang yaya na nabuntis daw. Pero lahat palang ito hearsay dahil wala pang formal complaint ang nasabing yaya na nasa custody na raw ngayon ng Department of Social Welfare.

Anyway, bahala na ang movie na Matakot Ka Sa Karma sa TV host na ‘to.
* * *
Kakaibang episode na naman ang mapapanood ngayong gabi sa Showbiz Stripped hosted by Ricky Lo. Tunay bang mga babae sina Gwen Garci, Candy Pangilinan, Cresilda Volks at Dayanara Torres?

May kanya-kanyang kuwento ang tatlo tungkol sa kanilang buhay na pinagdaanan at ‘yun ang ating tutuklasin sa pakikipag-tsikahan ni Ricky Lo sa kanila.
* * *
From My In Box

Ako po yung nag-email sa inyo last October about GMA PINOY TV dito sa Middle East. Sa ngayon po ay ok na ok na ang signal at napakalinaw ng reception. Nais po naming magpasalamat sa inyo Ma’am Salve sa inyong pakikipag-ugnayan sa GMA tungkol sa aming problema at nagpapasalamat din po kami mismo sa pamunuan ng GMA sa kanilang mabilis na pag-aksyon.

At syempre po, maraming-maraming salamat sa lahat ng bumubuo ng PILIPINO STAR NGAYON! Kayo po ang number one para sa amin dito sa Saudi Arabia.

God bless!


Chito de Guzman
[email protected]

vuukle comment

CANDY PANGILINAN

CRESILDA VOLKS

DAYANARA TORRES

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE

DIETHER OCAMPO

MARVIN

RICKY LO

SIYA

WAG KANG LILINGON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with