^

PSN Showbiz

Candy Pangilinan, banned sa GMA!

-
Aware kaya si Candy Pangilinan na hindi muna siya pupwedeng mag-guest sa alinmang programa ng GMA-7?

Naikwento sa amin ng aming source na nakakwentuhan daw niya ang bossing ng Siete na hindi muna puwedeng i-guest ang komedyanang host dahil binigyan sila ng warning ni MTRCB Chairman Consoliza Laguardia dahil sa pagmumura on air ni Candy.

Live-guest daw si Candy sa programang SiS two weeks ago at di sinasadyang napamura siya ng "Ay pota" na ikinagulat din daw ng lahat ng nakarinig.

At dahil dito ay inatasan ni Chairman Laguardia ang staff ng SiS na mag-public apology dahil sa kagagawan ni Candy.
* * *
Ilang tv reporters ng ABS-CBN ang inireklamo si Angeli Pangilinan ng Genisis dahil sa ginagawa raw niyang pamba-bypass.

Nagkaroon daw kasi ng presscon si Heart Evangelista last Thursday na ginanap sa isang resto sa Tomas Morato, QC tungkol sa bago nitong project ek-ek.

 "Syempre, maraming isyu si Heart kaya tinanong ng lahat at nagkukwento na si Heart ng kung anu-ano like the abortion thing na pinaka-worst daw niyang intriga at kung anu-ano pa. At saka lang nabanggit yung advocacy ek-ek.

"Syempre standard procedure naman na isusulat mo lahat ng issues at susunod ang promo, di ba? Nasa editor na kung paano ito kakatayin. E, kinatay yung tungkol sa advocacy.

"Sumulat si Angeli kay Maria para i-reklamo yung outcome ng interview ni Heart sa TV Patrol, napaka-nega raw, hindi man lang daw nabanggit yung purpose ng presscon na tungkol sa advocacy ek.

"Ang nakakainis, kung may reklamo si Angeli, sana kinausap muna niya  yung showbiz reporter to clear things out, hindi yung dumiretso kaagad kay Maria para magsumbong na hindi man lang binigyan ng due process yung reporter, that’s unfair," kuwento sa amin ng taga-News department ng Dos.

"Ayaw na sa kanila ng GMA-7, saan pa siya manghihingi ng tulong kung lahat inaaway nila?" dagdag pa.

Samantala, gaano katotoo na maging sa mga editor din daw ng pahayagan ay ganito rin ang drama ng misis ni Gary Valenciano na dumiretso ng tawag kapag hindi nagustuhan ang sinulat ng isang kolumnista? – REGGEE BONOAN

vuukle comment

ANGELI

ANGELI PANGILINAN

CANDY PANGILINAN

CHAIRMAN CONSOLIZA LAGUARDIA

CHAIRMAN LAGUARDIA

DAW

GARY VALENCIANO

HEART EVANGELISTA

SYEMPRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with