PANOORIN: Jose Mari Chan, nagpasalamat sa ‘gift of music’ sa pagtanggap ng Composer Award
MANILA, Philippines — Nagpasalamat ang beteranong singer-songwriter na si Jose Mari Chan sa "gift of music" na ipinagkaloob sa kanya nang tanggapin niya ang Composer Award sa Dangal ng Musikang Pilipino nitong Miyerkules, Oktubre 14.
"Music is truly God's gift to me. And so I'm blessed that since I was a little boy, I was always blessed with music," ani Chan sa kanyang talumpati.
Umaasa siyang patuloy siyang mabibiyayaan ng musika para makapagsulat pa ng mga kanta para sa susunod na henerasyon.
"I hope that God will continue to bless me with music, so that I can continue writing songs for the next generation," aniya.
Kabilang sa mga kilalang kanta ni Chan ang Pinoy Christmas anthem na "Christmas in Our Hearts," "Beautiful Girl" at "Can We Just Stop and Talk Awhile."
- Latest

























