PANOORIN: BINI pinuri ni Gary V sa pag-angat ng P-pop
MANILA, Philippines — Naniniwala si Gary Valenciano na hindi pa naaabot ng Original Pilipino Music (OPM) ang buong potensiyal nito, kasabay ng pag-angat ng P-pop sa pandaigdigang entablado.
Ito ang mensahe ni "Mr. Pure Energy" matapos niyang tanggapin ang Concert Artist Award sa Dangal ng Musikang Pilipino nitong Miyerkules, Oktubre 14.
Sa kaniyang acceptance speech, binanggit ng batikang singer ang mga artistang nag-bigay-daan upang makilala sa buong mundo ang P-pop, kabilang ang Nation's Girl Group na BINI.
“It is soaring, it is flying,” ani Valenciano.
“We haven't seen the best of OPM just yet, but we have some of the best here tonight,” dagdag niya.
- Latest
























