^

PSN Showbiz

Kristine, Diether, magkaiba ng tirahan!

-
Niliwanag ni Kristine Hermosa na hindi sila live in ni Diether Ocampo, "Sa Tomas Morato nakatira si Diet at sa isang condo unit sa Cubao po ako nakatira."

Sleep-over lang?

"Depende po sa mood ko o sa mood ni Diet kung sino ang matutulog sa bahay ko o niya," natatawang sabi ng aktres.

Tatlong taon na ang relasyon ng dalawa at hindi naman itinago ng aktres na ang aktor na ang gusto niyang makasama habambuhay at maging ama ng mga magiging anak niya, yun nga lang, hindi pa sila handang magka-anak dahil may mga inaayos pang problema.

Napansin naming medyo payat ngayon si Kristine, "Kasi po lagare ako sa two movies, yung Enteng Kabisote at itong Wag Kang Lilingon, tapos sabay pa ng dubbing. Buti nga tapos na itong sa Star Cinema kaya isa na lang ang ginagawa kong movie now, yung kay Vic Sotto."

Nakakatakot ba ang Wang Kang Lilingon?

"Ha, ha, ha, sana matakot namin kayo," sagot uli ng aktres na kasama rin si Anne Curtis sa ibang episode.
* * *
Kahapon, Biyernes ang last shooting day ng Super Noypi ng Regal Entertainment na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado, Mark Herras, Polo Ravales at iba pa.

Hindi namin alam kung nagbibiro ang director ng pelikulang si Quark Henares (Super Noypi) na siya ring director ng Wag Kang Lilingon na pahihirapan niya si Mark dahil hindi niya gusto ang nakarating na balitang gusto siyang sapakin dahil nga pinagupitan siya ng buhok at hindi siya kinunan sa set nang ma-late ito ng dating.

"May nagtanong nga sa akin na gusto nga raw akong sapakin, e, hindi ko alam yun. Ang bait na bata ni Mark, hindi ko alam na may galit siya sa akin?

"Admittedly, late siyang dumarating sa set, e, madali akong kausap, everytime na late siya, pizza pie lang ang katapat, so far nabigyan na niya ako ng Yellow Cab, Pizza Hut at Starbucks stuff.

"Talaga lang, ha, galit sa akin si Mark? Hmmp, humanda siya sa akin, pahihirapan ko siya sa last shooting day namin at kakausapin ko siya," nakangiti pero halatang galit si Direk Quark.

Aba’y nakakabaliw nga kung totoong sinabi ito ni Mark Herras, eh sa sobrang bait ni direk Quark, nagawa niyang magalit ng todo? At alam kaya ni Mark ang sinasabi niya na gusto niyang sapakin si Direk Quark, baka gusto niyang mawala siya bilang endorser ng Flawless na pag-aari lang naman ng mommy ni Direk Quark na si Dra. Vicki Belo?

"Basta as of now, si Mark Herras ang pinaka-favorite kong aktor parang relasyon nina Leonardo diCarpio at director Scorsese," natatawa uling sambit ng batang director.
* * *
Kung si Michelle Bond ng Norway ang masusunod ay gusto na pala niyang mag-voluntary exit dahil nagi-guilty siya sa pagkaka-alis ni RJ Jimenez last week na ang alam niya ay siya ang karapat-dapat na umalis.

Third time na ni Michelle na ma-on probation this week at malakas daw ang kaba niyang siya na ang susunod.

Nakuwento niya ito sa kaibigang si Joan na taga-Italy, pero pinigilan siya dahil hindi raw tama ang gagawin niya lalo’t siya ang ibinoto ng kapwa scholars.

Pinag-promise ni Joan si Michelle na huwag itong aalis dahil sayang ang naumpisahan at mga hirap niya sa loob ng Pinoy Dream Academy.

Nag-isip bigla si Michelle sa mga payo ni Joan at biglang naiba na ang takbo ng plano nito na lalaban nga raw siya hangga’t may chance siya, pero hindi pa rin nawawala sa isipan niya na baka siya na nga ang lalabas ngayon after ng kanilang Gala Performance kasama ang iba ring nominado na sina Kristoff, Rosita at Chad.

At kung kailan naman nanganganib si Michelle sa PDA ay saka naman unti-unting nagkalapit ang loob nila ni Ronnie Liang. — Reggee Bonoan

vuukle comment

DIREK QUARK

MARK HERRAS

MICHELLE

NIYA

SIYA

SUPER NOYPI

WAG KANG LILINGON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with