Si Aaron, si Von at si Christopher
October 1, 2006 | 12:00am
Kung tutuusin, talagang imported talent si Aaron, pinakabagong recording artist ng Universal Records, 17 taong gulang at anak ng isang Pilipinang ina (Rowena Damaso) at Arabyanong ama (ang inhinyerong si Fahad Al Hanaki).
Una siyang nag-aral sa New Jersey School No. 1 at sa California Pleasanthill Valley View Middle School hanggang grade 8. Dito na sa Pilipinas niya tinapos ang kanyang high school dahil nag-move na rito ang kanyang pamilya. Nag-graduate siya sa Southville Foreign College with honors kaya binigyan siya rito ng scholarship. Pagnakatapos siya ng kolehiyo ay may pagkakataon na siyang mapasok sa mga kumpanya nito sa London. Kung titingnan mo si Aaron ngayon ay talagang aakalain mong importred artist siya, bukod sa guwapung-gwapo ay napaka-ganda pa ng ngiti, mapula ang buhok at maganda ang pangangatawan, pang-romansa, ika nga, di tulad ng katawan ng kanyang kuya na si Carlos Agassi na talagang namang nakuha sa workout.
Kung nagwo-workout man si Aaron ito ay para mamintina ang kanyang 110 lbs. na mahigit tatlong buwan din niyang pinagtiyagaang makuha mula sa kanyang orihinal na timbang na 140 lbs!.
Ngayon fit na siya to face the music world, mayron na siyang self-titled album, "Aaron Right Next to Me" na ang carrier single na "Calculate It" ay meron na ring MTV.
Mukha rin itong isang cover version pero, sa totoo lang ay isang orig ni Ito Rapadas na binigyan ng R&B flavor.
Nasa loob din ng album ang mga awiting "Kasalanan Ko Ba", "When You"re In Love With Someone", "Right By Your Side", "Ill Be Your Hero", "Take It Easy", "Hanggang Matapos" at marami pang iba.
Si Von Arroyo naman ay isang mahusay na singer na binigla ang mga TV viewers nang makuha siyang teacher of diction sa Pinoy Dream Academy ng ABS CBN. Syempre, ang tahimik niyang buhay ay biglang naintriga nang kwestyunin ng mga malabiga ang kanyang karapatan para mabigyan ng ganong trabaho.
To his rescue ang ABS-CBN para ma-justify ang ginawang pagpili sa kanya by saying graduate ito ng BA MassComm sa Perpetual College of Manila cum laude. Bago ito nag-graduate din siya ng high school sa St. Joseph Academy sa Bongabong, Oriental Mindoro with honors.
Isa siya sa kakaunting nabigyan ng slot sa Ricky Lee Scriptwriting Workshop, Batch 11.
Pero, ang calling ni Von ay nasa musika. Naging myembro siya ang 14 K ni Ryan Cayabyab, nakagawa siya ng mga commercial jingles para sa Milo at Lucky Me bukod sa pagiging commercial model din ng Toyota, Coke, RCBC at PLDT. Mayron siyang nagawang apat na album sa Viva Records at Prime Music.
Bago sa Pinoy Dream Academy ay naging instructor siya for Hosting & Voice Communications ng Pinoy Pop Superstar ng GMA7. Sa kasalukuyan ay instructor siya para sa Voice Communications, Believability, Eye Contact, VTR, Hosting & singing sa John Robert Powers International Business Development Manager din siya ng Jewels Apparels at Project Director ng V Factor Events. O hihirit pa ba kayo?
Si Christopher Castro ay 19 na taong gulang na mag-aaral ng computer technology sa Balanga, Bataan. Naswertehan niyang maipasa ang kanyang audition para sa Twilight Dancers ng Centerstage Production kaya kahit maliit ang role, grateful siya dahil naging international ito at napanood sa maraming bansa outside of the Philippines.
"Magandang pagsisimula na rin ito since first movie ko pa lang ito," anang kabataang may taas na 58".
Bukas na ang pagsisimula ng Atlantika, ang kahariang lulubog lilitaw at umaakyat kapag kabilugan ng buwan para makapag-recharge ng kanilang power ang mga naninirahan dito.
Si Dingdong Dantes lamang ang major character na mapapanood sa pilot episode ang iba will appear only on the 3rd week.
One season lamang ang itatagal ng fantaserye pero, kapag nag-rate ito ay wala namang choice ang network kundi ang i-extend ito.
Bagaman at isa sa mga direktor si Dingdong, makapagdi-direk lamang ito kapag hindi siya kasali sa taping.
Dahilan sa first telecast ito, isang oras na mapapanood ang Atlantika bukas pero, ngayong hapon ay guest ang buong cast sa S-Files, lahat sila ay in full costume.
[email protected].
Una siyang nag-aral sa New Jersey School No. 1 at sa California Pleasanthill Valley View Middle School hanggang grade 8. Dito na sa Pilipinas niya tinapos ang kanyang high school dahil nag-move na rito ang kanyang pamilya. Nag-graduate siya sa Southville Foreign College with honors kaya binigyan siya rito ng scholarship. Pagnakatapos siya ng kolehiyo ay may pagkakataon na siyang mapasok sa mga kumpanya nito sa London. Kung titingnan mo si Aaron ngayon ay talagang aakalain mong importred artist siya, bukod sa guwapung-gwapo ay napaka-ganda pa ng ngiti, mapula ang buhok at maganda ang pangangatawan, pang-romansa, ika nga, di tulad ng katawan ng kanyang kuya na si Carlos Agassi na talagang namang nakuha sa workout.
Kung nagwo-workout man si Aaron ito ay para mamintina ang kanyang 110 lbs. na mahigit tatlong buwan din niyang pinagtiyagaang makuha mula sa kanyang orihinal na timbang na 140 lbs!.
Ngayon fit na siya to face the music world, mayron na siyang self-titled album, "Aaron Right Next to Me" na ang carrier single na "Calculate It" ay meron na ring MTV.
Mukha rin itong isang cover version pero, sa totoo lang ay isang orig ni Ito Rapadas na binigyan ng R&B flavor.
Nasa loob din ng album ang mga awiting "Kasalanan Ko Ba", "When You"re In Love With Someone", "Right By Your Side", "Ill Be Your Hero", "Take It Easy", "Hanggang Matapos" at marami pang iba.
To his rescue ang ABS-CBN para ma-justify ang ginawang pagpili sa kanya by saying graduate ito ng BA MassComm sa Perpetual College of Manila cum laude. Bago ito nag-graduate din siya ng high school sa St. Joseph Academy sa Bongabong, Oriental Mindoro with honors.
Isa siya sa kakaunting nabigyan ng slot sa Ricky Lee Scriptwriting Workshop, Batch 11.
Pero, ang calling ni Von ay nasa musika. Naging myembro siya ang 14 K ni Ryan Cayabyab, nakagawa siya ng mga commercial jingles para sa Milo at Lucky Me bukod sa pagiging commercial model din ng Toyota, Coke, RCBC at PLDT. Mayron siyang nagawang apat na album sa Viva Records at Prime Music.
Bago sa Pinoy Dream Academy ay naging instructor siya for Hosting & Voice Communications ng Pinoy Pop Superstar ng GMA7. Sa kasalukuyan ay instructor siya para sa Voice Communications, Believability, Eye Contact, VTR, Hosting & singing sa John Robert Powers International Business Development Manager din siya ng Jewels Apparels at Project Director ng V Factor Events. O hihirit pa ba kayo?
"Magandang pagsisimula na rin ito since first movie ko pa lang ito," anang kabataang may taas na 58".
Si Dingdong Dantes lamang ang major character na mapapanood sa pilot episode ang iba will appear only on the 3rd week.
One season lamang ang itatagal ng fantaserye pero, kapag nag-rate ito ay wala namang choice ang network kundi ang i-extend ito.
Bagaman at isa sa mga direktor si Dingdong, makapagdi-direk lamang ito kapag hindi siya kasali sa taping.
Dahilan sa first telecast ito, isang oras na mapapanood ang Atlantika bukas pero, ngayong hapon ay guest ang buong cast sa S-Files, lahat sila ay in full costume.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended





















