^

PSN Showbiz

Jericho, babalik ng Eat Bulaga!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Iba na naman pala ang boyfriend ni Melissa Mendez at hindi yung American-Japanese na nakita nating dumating a few months ago para sana pag-usapan ang kanilang kasal. Darin Wells ang name ng current bf ng actress na darating sa November para sa kanilang kasal.

Christian wedding ang kanilang pinaplano dahil pareho silang Christian. Kwento pa ni Melissa, seven hours a day silang mag-usap ng bf at tinatapos nila ang pag-uusap by praying together. Naniniwala itong this time, matutuloy na sa kasal ang three-month-old relationship.

Sa Internet din nakilala ni Melissa ang bf na isang Irish-American-Mexican, 38 years old at Computer Engineer. Ipinakita nito ang picture sa kanyang cellphone at mas gwaping kesa unang nobyo. Dagdag na tsika pa ng actress, pumayag si Darin na mag-relocate sa ‘Pinas after their wedding dahil ayaw niyang iwan ang showbis.

Heto nga’t katatanggap lang ni Melissa ng role sa Season 7 ng Now & Forever (Dangal) as the mother of Jennylyn Mercado. Wala raw siyang gagawin sa Amerika’t naniniwalang agad makakahanap ng trabaho rito ang husband-to-be niya.
* * *
Naimpluwensyahan na ni Jericho Rosales ang girlfriend na si Heart Evangelista dahil gusto na rin nitong balikan ang pagkanta at pagiging recording star. Sa tulong ng Genesis, nagga-gather at pumipili na ng materials ang dalaga para sa gagawing album na ayaw pang sabihin kung anong recording company.

Hindi na mahihirapang mag-recording si Heart dahil nakagawa na siya ng album sa Star Records. Naalala pa nga naming, pumasok ang song na ‘yun sa Top 10 ng music chart at ang kasamang music video ay nag-number one sa MYX.

Samantala, umingay na naman ang offer ng GMA-7 kina Heart at Jericho pero, hindi nila tinanggap. Ang loyalty sa ABS-CBN ang isa sa pumipigil sa kanilang tumanggap ng show sa ibang TV station gaano man kaganda ang offer.

Pero, sa Sabado, abangan ang paggi-guest ni Jericho sa Eat Bulaga at malay n’yong isama nito si Heart.
* * *
Paco Chua ang pangalan ng Chinese ex- boyfriend ni Angelica Jones. Ex-dahil break na raw ang dalawa at mas pinili ng dalaga ang kanyang career. Nasasakal daw ito’t laging nakasunod ang lalaki sa kanyang mga lakad pati yung may kinalaman sa showbis.

Naintriga si Angelica kamakailan dahil sa Shall We Dance nang ireklamo ang pananalo ni Alex Crisano at ang partner nitong DI. Kapag napanood ninyo ang show, malalaman ninyo kung may karapatang magreklamo ang dalaga.

Itinanggi ni mommy Beth na nanipa ng monoblock chair ang anak pero, umiyak dahil sa frustration sa paniwalang mali ang desisyon ng judges. Hinamon nga raw ng dalaga ang judges at DI para ipakitang kaya niyang isayaw lahat ng klase ng sayaw.

Kahit naiintriga, thankful si mommy Beth na patuloy ang pagdating ng blessings sa anak. May dalawang pelikulang gagawin si Angelica (bawal pang sabihin), at in-demand pa rin sa mga show. Isa rito ang gagawing show sa September 23 sa Casino Filipino, Lahug, Cebu.
* * *
Panay daw ang iyak lately ng sikat na actress dahil sa problema sa kanyang lovelife. Nabalitaan nitong kahit lagi silang magkasama ng boyfriend, nakakaya pa rin nitong magkaroon ng extra curricular activities na ang ibig sabihin, nagpi-flirt pa rin sa ibang girls.

Ang reklamo naman ng actor boyfriend nito’y masyadong selosa ang girlfriend at madaling maniwala sa tsismis. Itinanggi nitong nambababae siya dahil loyal siya sa gf na selosa na’y wala pang tiwala sa sarili. Sikat at maganda siya pero, feeling puwede siyang ipagpalit ng dyowa sa ibang babae.
* * *
Ngayong linggo sa Captain Barbell, magde-decide sina Teng (Richard Gutierrez) at Lea (Rhian Ramos) na maghiwalay dahil ‘di nila kaya ang problemang dumating sa kanila. Ibabaling ni Teng ang atensyon niya kay Kit (Camille Prats) at yayayain niya itong mag-sine kasama si Bobby (Ryan Yllana). Iko-comfort naman ni Levi (Patrick Garcia) si Lea.

vuukle comment

ALEX CRISANO

ANGELICA JONES

CAMILLE PRATS

CAPTAIN BARBELL

CASINO FILIPINO

CENTER

COMPUTER ENGINEER

DAHIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with