^

PSN Showbiz

Rochelle, napuruhan sa fight scene!

-
Maraming nagulat at napatingin kay Claudine Barretto nung hindi siya ang nahirang na Best Actress sa 29th Gawad Urian na tineyp sa Irving Theater, Ateneo de Manila University nung Huwebes ng gabi.

Si Jaclyn Jose ang tinawag para tumanggap ng tropeo na labis na ipinagtaka halos ng mga nasa loob ng teatro.

Ang istorya raw kasi ay makailang beses tinawagan si Claudine ng mga taga-Gawad Urian na kailangang dumalo siya sa nabanggit na awards night kaya naman nung dumating na ang magandang asawa ni Raymart Santiago nung gabi ay nagbulungan nang "Nandiyan na si Claudine, nandiyan na si Claudine" na gandang-ganda ang lahat dahil halatang nag-effort ito para magpa-parlor.

Hindi kasama ng aktres ang asawang si Raymart at pawang mga personal assistant lang.

"Aminin mo, hindi mahilig dumalo ng awards night si Claudine kaya nung pinilit siyang dumalo sa event, iisa ang ibig sabihin no’n, may matatanggap siyang award," say ng aming source.

Dagdag pa, "Bakit nila pinadalo tapos wala pala? Ano yun, inasar nila si Claudine?"

"Sabagay kung si Jacklyn Jose nga naman ang nanalo, hindi mo kukuwestiyunin, di ba?"

At pagkatapos daw ng awards night ay nakitang kausap ni Claudine ang isa sa myembro ng Gawad Urian.
* * *
Mukhang masuwerte ang taong 2006 sa baguhang singer ng Warner Music na si Sitti Navarro dahil bukod sa malakas ang benta ng jazz album niyang Cafe Bossa ay naririnig din itong pinapatugtog sa lahat ng sosyal na malls sa Metro Manila at isa pa siya sa host ng Pinoy Dream Academy sa Studio 23 with Bettinna Carlos at JC Quadrado.

Excited si Sitti sa nangyayari sa singing career niya at sa bago niyang career bilang tv host.

"Oo nga po, sana magtuluy-tuloy na itong hosting career ko, dumaan po talaga ako sa audition," saad pa niya.

At sa August 11 ay may show si Sitti sa Music Museum na may titulong An Evening of Bossa with Sitti with guests Jon Santos, Arthur Manuntag, Eileen Sison and Brigada.

Say nga ng katotong Rey Pumaloy, "Naku, tiyak na mga sossy ang manonood kasi ‘yan ang type nilang music."

Sa edad na 21 ay nanatiling single si Sitti at kabi-break lang niya sa kanyang boyfriend for personal reasons at ang focus ng atensyon niya ngayon ay ang kanyang career at pamilya.
* * *
Muntik nang ma-kansela ang taping ng Daisy Siete season 12 Landas nung Lunes, July 31 dahil napuruhan ang lead star na si Rochelle Pangilinan sa isang fight scene.

Medyo mahirap ang eksena at tinutukan ito ng fighting instructor ng programa na siya ring nagturo ng tsako at arnis sa Sexbomb. Ang nabanggit na eksena ay ta-tumbling si Rochelle at makikipag-kick fight sa ka-eksena nito habang siya’y nakahiga. Nung rehearsal, bigay na bigay si Rochelle dahil isa ito sa pinakamagandang fight scenes ng Landas. Nang mag-take na, nagkaroon ng hindi inaasahang aksidente nang tumama ang likod ni Rochelle sa dolley (camera) stand. Biglang napasigaw ang dalaga dahil sumentro ang likod nito sa mismong bakal at napuruhan. Pansamantalang nahinto ang taping dahil sa aksidente. - REGGEE BONOAN

vuukle comment

AN EVENING OF BOSSA

ARTHUR MANUNTAG

BEST ACTRESS

BETTINNA CARLOS

CAFE BOSSA

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

GAWAD URIAN

SITTI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with