^

PSN Showbiz

Gusto si Erik Santos pero, kay Dennis sumasamang magsimba!

-
Naaliw kami kay Rufa Mae Quinto dahil biglang nabingi’t napipi nang tanungin namin sa tsismis sa kanila ni Dennis Trillo. Sure kaming narinig nito ang aming tanong dahil katabi namin siya pero, hindi sumagot. Pati ang pambubuking ni Rey Pumaloy na nakita silang nagsisimba sa Baclaran some Wednesdays ago ay ‘di pinansin. As in, wala siyang narinig. He-he-he!

Lalo tuloy kaming na-curious kung ano ang totoong nangyari sa kanila. Minsan na rin namin natanong si Dennis sa tsismis sa kanila ni Rufa Mae at ‘di rin kami sinagot. They have something in common, pareho silang pipi’t bingi. Huh!

May rasong dedmahin ni Rufa Mae ang isyu sa kanila ni Dennis dahil si Erik Santos ang bago nitong "love." Wala itong bukambibig kundi ang pangalan ng singer at lalo pa nitong nagustuhan ang Kapamilyang binata nang malamang mabait ito lalo na sa mga magulang.

Nagbiro pa si Rufa Mae na kaya may repeat ang kanyang concert, ang Bombshell Unleashed: The Repeat Performance sa August 19 sa Mall of Asia dahil type niyang makasama si Erik. Natawa pa kami sa sinabi nitong "Sana gustuhin din niya ako." Crush na crush niya ang binata’t okey lang na masulat ito para malaman at para yayain siyang lumabas. — NITZ MIRALLES

vuukle comment

BACLARAN

BOMBSHELL UNLEASHED

DENNIS TRILLO

ERIK SANTOS

MALL OF ASIA

REPEAT PERFORMANCE

REY PUMALOY

RUFA MAE

RUFA MAE QUINTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with