^

PSN Showbiz

Nancy, di affected sa ‘pagbabading’ ni John

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
May paliwanag si John Prats kung bakit nabago ang statement niyang after Ako Legal Wife, ‘di muna siya tatanggap ng gay role. Sa Manay Po, bading pa rin ang papel niya as Oscar, isa sa tatlong anak ni Cherry Pie Picache.

"Magkaibang bading naman ito. Sa Ako Legal Wife, closet gay ako at dito’y screaming fag at masarap laruin. Nagmi-make up ako rito at talagang lantaran ang pagka-bading. Pero, last na muna ito," sabi nito.

Hindi naman daw apektado ang panliligaw niya kay Nancy Castiglione sa pagpo-portray niya ng bading. Natatawa ito at hindi nagdududa’t tiwala na tunay siyang lalake. Nawe-weirduhan lang ito sa kanya mula nang lumabas siya sa Bahay ni Kuya.

Sabi ni John, hindi pa formal na sila ni Nancy pero, nag-"I love you" na siya rito. Hindi siya nagmamadaling sagutin dahil alam niyang galing lang ang dalaga sa isang relasyon. "Sana," ang sagot nito sa tanong kung may chance siyang sagutin.
* * *
Magsisimula ang Season 5 ng Now & Forever (Duyan) sa April 17 at umaasa ang staff at si director Mac Alejandre na susubaybayan ito ng viewers gaya sa mga naunang serye. Ipinagmamalaki ng director ang cast, story at production design, rason para magustuhan ito ng viewers.

Kasama sa cast si Ariel Rivera na kahit unang sumikat na singer ay mas kilala ngayong actor. Ano ang feeling kapag sinasabing he’s a good actor?

"Flattering and I’m not sure kung deserving ako sa compliments na ‘yan. Ako naman, ginagawa ko lang kung ano ang dapat at tamang gawin. Exciting at challenge sa akin to have a scene with Dawn Zulueta," sabi ni Ariel.

Nagkasama na sina Ariel at Dawn sa isang telesine at Forever In My Heart sa GMA-7 din pero, wala silang eksena.
* * *
Ayos lang kay Rufa Mae Quinto na ginagaya siya ni Janelle Jamir. Flatter siya ‘pag ginagaya siya’t ibig sabihin, maganda ang kanyang ginagawa. Binanggit nito sina Gladys Guevarra, Katrina Halili, Ella V. at Rochelle Pangilinan sa mga gumagaya sa kanya. Isama na rin ang mga bading at college girls.

Hindi nakakapanood ng Wowowee si Rufa Mae kaya, nagtanong kung anong klaseng panggagaya ang ginagawa ni Janelle. Napa-"Ganun" ito sa nalamang kuhang-kuha ni Janelle ang kanyang pagsasalita at body language.

Samantala, after Rudy Hatfield at Duncan Ramos, kina Brian Viloria at Mark Bautista nali-link si Rufa Mae. Ipinakita nga nito ang dalawang litrato nila ng boxing champ sa kanyang cellphone. Kay Brian nagtanong si Rudy kung true ang tsismis.

Hindi ang makahanap ng boyfriend kundi ang paghahanda sa kanyang concert sa Aliw Theater sa May 27 billed RMQ: Bombshell Unleashed ang inaasikaso nito. May stage fright daw siya at ito ang pilit niyang inaalis.
* * *
Tuluy-tuloy pa ring mapapanood ang Moms ng QTV 11 buong Holy Week. Sa Banyuhay o Bagong Anyo ng Buhay episode this Monday, tatlong dating drug addicts ang magkukwento kung paano sila napagbago ng religion. Malalaman din kung anong pangyayari ang naging daan para talikuran nila ang kanilang mga bisyo. Guests sina Rez Cortez, Lito Pimentel at John Regala.

Bukas, sa episode na Anak ni Adan, kokontrahin ng dating mga bading na sina Rene Gomez, Myke Perfecto at Anselle Beluso ang ipinahayag ni Rustom Padilla na hindi choice ang maging bading. Para sa tatlo, pwedeng talikuran ang pagiging bading kung gugustuhin lang.

vuukle comment

AKO LEGAL WIFE

ALIW THEATER

ANSELLE BELUSO

ARIEL RIVERA

BADING

KUNG

RUFA MAE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with