^

PSN Showbiz

Si Nikki, si Jaymee

- Veronica R. Samio -
Di ko alam kung ano ang ibig sabihin ng satellite host na siyang assignment ng baguhang si Jaymee Joaquin sa bagong programa ni Sharon Cuneta sa ABS CBN.

Basta ang sinabi lamang niya nung makausap ko siya ay mayro’n silang segment ni Uma Khouny na kung saan ay kinakailangan silang lumabas nito at mag-interview. Sa mismong palabas ay makakasama nila si Mega at pag-uusapan nila ang mga materyal na kinalap nila.

Para makasama sa programa ay kinailangan ni Jaymee na dumaan sa isang audition na kung saan ay nakasama niya ang maraming may pangalan nang artist ng network.

"Swerte ko po na ako ang nakuha," sabi niya, admitting na nang mapili siya ay napaiyak siyang talaga.

Twenty one years old si Jaymee na unang napanood sa Bora, bilang isa sa mga babaeng naka-bikini. Nag-enjoy siya sa kanyang stint sa naturang show at nakilala ang mga tulad nina Piolo, Luis at BJ na siyang mga bida sa series. Bagaman at ilang ulit nang nabalita na matitigil na ang show, sinabi ni Jaymee na marami pa silang nai-tape na episodes na aabot pa ng ilang buwan.

"Every quarter kami kung mag-tape kaya alam ko na hindi pa kami mag-i-end," sabi ng graduate ng Development Studies ng La Salle. Nang tanungin kung ano ang kurso niya, sinabi niyang pinaghalo itong politics at economics.

Comfortable siya kay Uma dahil pareho silang baguhan at kinakabahan kaya nagtutulungan sila.
* * *
Parang overdue na yung paglalabas ng Viva Records ng CD Lite ni Nikki Bacolod. More than a year na kasi mula nang manalo siya sa Star In A Million at kung hindi pa ito nagka-CD ay baka nalimutan na siya ng mga tao.

Anyway ang CD Lite na pinamagatang "In Full Bloom" ay nagtatampok ng limang awitin na kinabibilangan ng carrier single na "Tell Me You Love Me" ni Vehnee Saturno. Ang iba pa ay ang "Farewell" (Odette Quesada), "Only When I’m With You" (Trina Belamide), "You Got It All" (Rupert Holmes) at "Stay Here With Me" (Peter Bertilson/ Randy Goodrum) kung saan ka-duet niya si Raymond Manalo.
* * *
Mapapanood ngayong hapon sa SM Iloilo ang Prince of Pop na si Erik Santos. Aawitin niya ang mga kanta sa kanyang latest album tulad ng "Bakit Ba Inibig Kita" ni Ogie Alcasid, isang duet nila ni Regine Velasquez, "Mystery" ni Martin Nievera, "Kung Maalala Mo" na pinagtulungan nila ni Arnold Reyes at "Goodbye’s Not Forever" ni Vehnee Saturno.

Sa Sabado, nasa SM Molino si Erik, Ever Gotesco Grand Central sa Mar 5, SM Batangas sa Mar. 11 at SM Bicutan sa Mar. 12.
* * *
Ang Star In A Million big champion na si Frenchie Dy ay tutungo ng Milan, Italy kasama si Sam Milby para sa TFC The Filipino Channel sa March 5.
* * *
[email protected]

ARNOLD REYES

BAKIT BA INIBIG KITA

CENTER

DEVELOPMENT STUDIES

JAYMEE

KUNG

STAR IN A MILLION

VEHNEE SATURNO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with