^

PSN Showbiz

Rustom, umamin nang bading!

-
Usap-usapan sa lahat ng showbiz events ang biglaang pagkawala ni Heart Evangelista sa ASAP 06 at ilang linggo na raw itong hindi napapanood.

Samu’t sari ang mga naririnig naming dahilan kaya nawawala ang girlfriend ni Jericho Rosales. Sabi ng ilan, "Busy sa taping ng Panday" at "Nagpapagaling" na labis naming ikinagulat dahil bakit siya magpapagaling, nagkasakit ba siya?

Tinanong naman namin ang taga-Dos tungkol sa pagkawala at pagkakasakit daw ni Heart sa ASAP, "Wala po kaming idea, ang alam ko, hindi naman siya regular do’n at busy siya sa taping ng Panday dahil two-three times a week sila nagti-taping. ‘Yung nagpapagaling, wala po kaming ideya, baka sinumpong uli ng asthma?"

Walang makapagkumpirma sa amin kung bakit nawawala si Heart, pero hinding-hindi namin makakalimutan ang pahayag sa amin ng executive ng Dos, "Personally, hindi ko siya ganu’n kakilala basta ang alam ko, marami siyang arte na itinatago sa katawan niya.

Nagtataka nga ako, ilang beses na siyang nagpaliwanag regarding all the issues na nabuntis, pero marami pa ring naglalabasan. At ang nakakaloka pa, ang reason na ibinigay niya sa press kaya hindi na siya nag-renew ng contract sa Star Magic at lumipat siya sa Genesis, Inc ay dahil gusto raw niyang mapalapit kay God, nakakaloka, di ba?"

Aba’y nakakaloka nga, bakit nu’ng nasa Star Magic ba si Heart ay ‘malayo’ siya kay God at nu’ng napasama siya sa co-Christian niya ay saka lang siya napalapit?
* * *
Aminado ang Intensity Band na binubuo nina Nino Formanan, Beige Brian, KC Sequrto at Jan Ray Hernandez na nanggaling pa ng Cebu City na napakarami nang boy bands ngayon at alam nilang hindi sila basta makaka-penetrate sa music industry kung wala silang hit songs o shows man lang kaya nakikiusap ang grupo na sanay pakinggan ang kanilang mga awitin na nilikha ni Vehnee Saturno at iba pang kilalang songwriter.

Isang taon palang nabuo ang grupo, pero may album na sila at ang carrier song nila ay "Nasaan Ka Man" at ang iba pang laman ng album ay ang "All At Once, Kahit Pa Ako" at iba pa mula sa Kirsteen Music Entertainment, Inc na idi-distribute naman ng Ivory Records.
* * *
Maging ang mga taga-Dos ay naloka raw sa unti-unting pagtatapat ni Rustom at ang nakamit na ratings ng episode na ‘yun ay 21%, pero hindi pa rin niya natalo ang Jewel In The Palace na 38.4.

Ang tanong, nakaka-shock pa ba kung sakaling aamin na si Rustom na ‘bading’ siya, e, matagal na naman siyang pinaghihinalaan? Mas nakaka-shock siguro kung ipagtatapat niya ang tunay na dahilan kung bakit siya ‘iniwan’ ng ex-wife niyang si Carmina Villaroel. — REGGEE BONOAN

ALL AT ONCE

BEIGE BRIAN

CARMINA VILLAROEL

CEBU CITY

HEART EVANGELISTA

INTENSITY BAND

SIYA

STAR MAGIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with