^

PSN Showbiz

MYMP, sali na sa ASAP

- Veronica R. Samio -
It’s about time na magkaro’n ng inspirasyon ang isa sa myembro ng MYMP na si Juris (Julie Iris), 27 na siya at tutal ang kanya namang ka-partner na si Chin ay mayro’n na rin namang girlfriend. At para matahimik na ang mga tagasubaybay nila at huwag nang umasa na baka magka-debelopan sila, dahil sa totoo lang, magkapatid lamang ang turing nila sa isa’t isa.

One year nang nanliligaw sa kanya ang isang negosyante pero mahigit nang dalawang taon silang magkakilala at magkaibigan. Sa loob ng panahong ito ay nakilala na ni Juris ang lalaki na bagaman at may simpatiya na siya ay wala pa siyang balak na makipag-relasyon. Abala siya sa MYMP at andyan pa rin ang MYMP Best: The Repeat ng kanilang matagumpay na concert sa Araneta Coliseum. At kung di pa ito sapat, sa darating na Marso 29 hanggang Abril 20 magkakaro’n sila ng multi-city US tour.

Pero, kung mayro’n talagang nakakapag-pataba ng puso ng MYMP, ito ay ang pagkakasali nila sa ASAP 2006 Mania. Yes, Kapamilya na sina Juris at Chin. Pormal na silang winelcome sa show nung Linggo.

Nakikanta sila sa isang napaka-husay na production number kasama sina Zsazsa Padilla, Vina Morales, Piolo Pascual, Nikki Gil at iba pa. Kinanta nila ang kanilang version ng "I’ll Never Get Over You".
* * *
Citizen Patrol na si Kumander Nene ng Pinoy Big Brother. Sasabak na siya sa public service ng TV Patrol World. Sari-saring problema ng komunidad ang ire-report niya at tutulungang matugunan.

Sa kanyang segment ay maaring sumulat o mag-text ang mga viewers ng kanilang community problems.

Mapapanood ang TV Patrol World kasama ang mga anchors na sina Ted Failon, Karen Davila at Julius Babao, weeknights sa ABS CBN.
* * *
After mapanood ang kanyang lifestory sa Magpakailanman nung Huwebes ng gabi sa GMA, mas lalo pang naging makulay ang buhay ni Katrina Halili, na bagaman at hindi nanalo sa StarStruck ay very visible ngayon di lamang sa TV kundi maging sa komersyal at pelikula.

Nakuha siyang celebrity endorser ng Sofia soap, isang health and beauty soap na nadagdag sa mahabang talaan ng Sundance matapos siyang lumabas sa kalendaryo ng isang popular na babasahing pang-lalaki.

Ang Sofia lamang ang mayro’ng sangkap ng pineapple, bayabas at gatas ng kambing, mga sangkap na siguradong magpapaputi ng balat at nagtataglay ng mga bitamina na kailangan ng katawan ng tao.
* * *
E-mail: [email protected]

vuukle comment

ANG SOFIA

ARANETA COLISEUM

CITIZEN PATROL

JULIE IRIS

JULIUS BABAO

KAREN DAVILA

KATRINA HALILI

KUMANDER NENE

PATROL WORLD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with