^

PSN Showbiz

Christian, broken-hearted kay Rachelle Ann!

PARINIG NGA! - Lanie M. Sapitanan -
Parang feeling long hair naman si Rachelle Ann Go, pagkatapos niyang ma-basted si Christian Bautista na ilang buwan ding nanligaw sa kanya.

Imagine napakaraming girls at fans ni Christian ang nagkakandarapa sa kanya hindi lang dito sa ‘Pinas kundi maging sa ibang Asian countries, pero nagbago ang ihip ng hangin dahil turn down niya ang love ni Christian sa kanya.

Umamin si Christian na umiyak siya at nahirapan ding tanggapin ang desisyon ni Rachelle Ann. Sobra ngang nasaktan si Christian dahil feeling din daw niya ay almost na naging sila ni Rachelle Ann, pero nagdesisyon ang lady singer na patigilin na si Christian sa panliligaw nito sa kanya.

Maayos naman daw ang pag-uusap nila ni Rachelle Ann. Pero hindi na sila kasing dalas na nagkikita o nag-uusap ngayon. Nagpupunta na lang si Christian sa bahay nila ni Rachelle Ann, kapag may okasyon lang ang pamilya ng dalaga. Hindi tulad ng dati na halos linggu-linggo ay bumibisita doon si Christian.

Sa sobrang in love ni Christian ay naging inspiration niya si Rachelle Ann nang sumulat ito ng dalawang kanta na "Everything You Do" na carrier single ng kanyang second album na "Christian Bautista Completely" at "Please Don’t Go" pero hindi pa siya basted noong ginagawa niya ang dalawang songs.

Mending a broken heart nga ang drama ni Christian ngayon, pero buti na lang at busy ito sa promotion ng kanyang new album na after one week ma-release ay naka-gold record agad.

Hindi na "Romantic Balladeer" ang titulo ni Christian ngayon, dahil binansagan na siyang "Asia’s Pop Idol" pero marami ang umaapela na hindi naman kinokontra ng singer.

"Well, to live with that title marami pa akong bigas na kakainin. But it’s flattering because it brings me a new status and gives a new flavor to my career. Kaya dapat talaga akong magtrabaho ng mabuti di ba?" comment ni Christian.

Dahil din sa title na "Asia’s Pop Idol" kung kaya magiging mas busy si Christian na lumibot sa Asian countries. Katunayan ay sisimulan niya ito sa Indonesia sa Jan 30-Feb 4 para sa full promotion ng kanyang new album.

"Ang sarap ng feeling na kumakanta with orchestra sa more than 6,000 crowd na sumasabay sa kanta mo. Kahit na mga Indonesians sila pero alam nila yung mga kanta ko. At the same time, I am proud of being Pinoy dahil masaya yung pakiramdam na you also conquer other territories," paliwanag ni Christian.

Ang kantang naririnig n’yo sa radio na "Everything You Do" ay isa sa magandang cut sa album ni Christian "Completely" na tiyak na mas magugustuhan ng kanyang mga fans sa loob at labas ng bansa.

vuukle comment

CHRISTIAN

CHRISTIAN BAUTISTA

CHRISTIAN BAUTISTA COMPLETELY

EVERYTHING YOU DO

PERO

PLEASE DON

POP IDOL

RACHELLE ANN

RACHELLE ANN GO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with