^

PSN Showbiz

Kahit text message, walang ipinamasko si Jennylyn kay Mark!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Halatang in-love na in-love si Mark Herras kay Marian Rivera. Kaya naman noong nakaraang kaarawan nito ay kumpleto ang kanyang kasiyahan dahil dumating ito sa party na idinaos sa clubhouse ng tinitirhan niyang subdivision. Inimbita naman niya si Jennylyn Mercado pero hindi ito nakapunta run.

Open na ang panliligaw ni Mark sa magandang aktres kaya lang hindi lang alam ni Marian kung tapat ba sa panunuyo ang aktor.

Niregaluhan ng polo ni Marian ang aktor samantalang kahit text message ay hindi man lang binati ni Jennylyn ang ex-boyfriend.
Imbitado Sa Kasal Ni Juday
Hindi nasasaktan si Piolo Pascual bagkus natutuwa pa nga dahil natagpuan na ni Judy Ann Santos ang mahal niya sa buhay na malamang na humantong sa pagpapakasal. Tinanong nga namin siya kung hindi ba siya nasasaktan sa nangyari?

"Hindi pain ang nararamdaman ko kundi ligaya. As long as she’s happy, I’m happy too," pahayag ni Piolo sa presscon ng Don’t Give Up On Us.

Idinagdag pa rin nito na saludo siya kay Juday dahil malaki na ang ipinagbago nito ngayon.

"Mas maganda siya dahil in-love. She’s more responsible, more independent. She’s really a fighter kahit nakikitang paiyak-iyak sa TV," ani Piolo.

Kapag ikinasal ang kanyang screen partner at imtibado siya ay pupunta siya.

Ang Don’t Give Up On Us ay pelikulang muling magpapatunay kung gaano katatag ang pagtatambal nina Piolo at Juday na pambuena mano ng Star Cinema sa susunod na taon.
Nagbasyon Sa Boracay Kasama Ang Pamilya
Matapos ang sunud-sunod na commitment noong nakaraang Pasko gaya ng dubbing ng pelikula, commercial shoot at promosyon ng Mulawin The Movie ay magbabakasyon muna kahit sandali si Angel Locsin sa Boracay. Natutuwa naman ito dahil naging makabuluhan ang kanyang Pasko kung saan nagbigay ito ng regalo at pinasaya ang mga bulag sa Philippine School for the Blinds sa Pasay kasama ang CALL Foundation of the Blind.

Nung Lunes ay tumungong Boracay ang magandang aktres para magbakasyon sandali kasama ang kanyang pamilya hanggang December 30 sila roon. Regalo niya ito sa kanyang pamilya ngayong Pasko. Kapiling pa rin ni Angel sa New Year ang pamilya para makabawi at mabigyan sila ng quality time.

Ang kanyang wish ngayong Kapaskuhan ay patuloy sanang gumanda ang kanyang career. Nakabili na ito ng lote sa South Forbes Golf City sa Sta. Rosa, Laguna na patatayuan niya ng bahay bakasyunan. Masinop sa buhay ang aktres kaya nakakapag-ipon ng pera.

Malaki ang nagawa ng Darna sa buhay ni Angel dahil dito nagsimula ang malaking tagumpay niya at nagkaroon ng katuparan ang mga pangarap niya sa buhay.
Blind Item: Tuloy Pa Rin Ang Panlalalaki Ng Manager
Walang kadala-dala ang manager na ito. Ngayon ay meron na naman itong guwapong baguhang aktor na mina-manage na nakatira sa kanya. Marami siyang pangako dito tungo sa kanyang stardom. Paniwalang-paniwala naman ang aktor sa kanyang manager. Na-video na ng manager ang kanyang asset kung saan akala naman ng baguhang aktor ay ganito talaga ang kalakaran sa showbiz.

vuukle comment

ANG DON

ANGEL LOCSIN

BLIND ITEM

BORACAY

FOUNDATION OF THE BLIND

GIVE UP ON US

KANYANG

PASKO

PIOLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with