^

PSN Showbiz

Karel is ready for Love!

- Veronica R. Samio -
At 19, b-day niya sa Dec. 21, inamin ni Karel Marquez na handa na siyang umibig. Ang problema, hindi pa niya nakikita ang lalaking iibigin niya. Wala raw nanliligaw sa kanya sa kasalukuyan. Maraming nagti-text, nagpapaabot ng mga magagandang salita, nagpaparamdam ng care "Pero, di ko naman masabing nanliligaw sila at baka i-deny nila, magmumukha akong cheap," sabi niya sa b-day presscon na ibinigay sa kanila ng Star Magic very recently.

Idinagdag din ng maganda at very talented VJ ng MYX na kung pumayag ang mom niya ay baka last year pa siya nagka-boyfriend. Pero, tumanggi ito. Ngayon payag na ito at ready na siya, ang problema wala naman siyang makita.

Hindi naman nagmamadali si Karel. Nariyan ang trabaho niya to keep her busy, host sa MYX, concerts. Lumabas din siya sa stage, bilang Belle sa Beauty and the Beast. Regular din siya sa My Juan and Only. Ang freetime niya ay nauubos sa kanyang pagboboksing. Twice a week siya rito. Once a month, wakeboarding naman ang inaasikaso niya. Di niya ito maaring pabayaan dahil ito ang paraan niya ng pagpapapayat.

Pansamantala ay iniwan niya ang kanyang pag-aaral para mag-concentrate sa kanyang trabaho. "Sayang ang opportunity. Mababalikan ko naman ito pero, yung opportunity, baka hindi na bumalik," sabi niya.
* * *
Maganda yung Christmas treat ng Club Mwah! sa kanilang mga regular clients. Nagsimula itong mapanood first week ng December at naka-incorporate sa Bedazzled 3 na maraming buwan ding nagpasaya sa maraming pumupunta sa naturang theater bar.

Tulad ng dalawang naunang Bedazzled shows, makulay din at maganda ang choreography ng mga excerpts sa Bedazzled 3 na ang main focus ay isang Egyptian inspired musical complete with pyramids and costumes. Tampok din sa programa ang "Who’s That Girl?" number na kung saan lahat ng showgirls ay naka-debutante’s gown at naka-maskara.

Ang nakaka-intriga sa mga palabas ng Club Mwah! ay ang kalituhan ng mga manonood na maihiwalay ang mga totoong babae sa mga gay performers, lahat kasi ay mukha nang mga babae at mayro’n nang pangangatawan ng mga babae. One TV host has to come closer to the performers, after the show, para makita kung sino ang mga totoong babae at hindi.
* * *
Magkakaro’n ng grand reunion ang mga Saint Louis Boys High School Batch 1980 ngayong araw na ito hanggang Dis. 18. Isang tatlong araw na activity ito na magtatampok sa mga parlor games, entertainment at fellowship. Sasama sa pagdiriwang ang mga families ng mga magri-reunion at ang mga guro nila.

Para sa ibang detalye, tumawag sa 09177906428/0744456943, hanapin si Gerry Rulloda.

vuukle comment

BEAUTY AND THE BEAST

CLUB MWAH

GERRY RULLODA

KAREL MARQUEZ

MY JUAN AND ONLY

NIYA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with