^

PSN Showbiz

StarStruck 3, maraming pwede

- Veronica R. Samio -
Kay Jolina Magdangal mismo nanggaling na maraming mga nakuhang finalists sa StarStruck 3 ang puwedeng-puwedeng maging artista. Di lamang sila may mga talent, magaganda pa rin sila at talagang tipong artistahin.

"At mas maswerte sila dahil compared sa unang batch, mas alam nila ang takbo ng search. Yung una nangapa kung ano ang magiging kaganapan, pero sila alam na nila what to expect at makapaghahanda na sila ng mabuti. Incidentally, the third season will start this Sunday pagkatapos ng Mahiwagang Baul. Mapapanood ito Lunes hanggang Biyernes at tuwing Linggo na kung saan live ang eliminations.

This Sunday malalaman kung sino ang bubuo ng StarStruck Council at makikita ang ginawang pagsuyod sa buong ‘Pinas para sa auditions.

Makakasama pa rin ni Jolina bilang host ng show si Dingdong Dantes at may bago silang kasama, si Raymond Gutierrez.

Mas matagal pang magho-host ng show si Jolina dahilan sinabi nitong di totoo ang balitang mag-aasawa na siya because if ever, she has to join Bebong Munoz sa US.

"Di pa kami handang dalawa para rito," tanging nasabi niya.
* * *
May bagong grupo ng mga sexy youngsters na nadiskubre ng Smart Personnel Records, lima sa probinsya at apat sa Metro Manila at ginawa silang mga recording artists matapos ang ilang panahong pagsasanay sa kanila.

Named Hotcakes, may album na ang siyam na pinamagatang "Unang Himas" at kasalukuyan nilang pino-promote sa mga malls.

Sa launching nila sa Metro Bar, isa sa mga naging modelo sa sexy fashion show na tinawag nilang Bare Essentials ay si Allona Amor na gumanda ng higit after mag-give birth ito sa kanyang anak.
* * *
I’m sure mai-excite kayo sa magiging showdown ngayong gabi sa Little Big Star ng ABS CBN nina Mica Roi Torres, 7 yrs old at John Mark Saga, 9 yrs old sa Little Division at nina Charice Pempengco, 12 yrs old at Ronald Jaimeer Humarang, 10 yrs old sa Big Division.

Sino sa kanila ang makakasama nina Makisig Morales, Rachel Pegason at Sam Concepcion sa grand finals?

Pwedeng sumali ang mga TV viewers, 50% ng score ay manggagaling sa kanila at 50% naman sa mga judges. i-type lang ang Little<space> (pangalan ng contestants) at i-send sa 2331 Globe & Sun subscribers at 231 para sa Smart, Talk n Text at Addict Mobile subscribers.
* * *
E-mail: [email protected]

vuukle comment

ADDICT MOBILE

ALLONA AMOR

BARE ESSENTIALS

BEBONG MUNOZ

BIG DIVISION

CHARICE PEMPENGCO

DINGDONG DANTES

JOHN MARK SAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with