^

PSN Showbiz

Sinong sikat na aktres ang dumadalaw kay Paolo sa shooting?

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Tuloy pa rin ang pelikulang pagtatambalan nina Regine Velasquez at Piolo Pascual na co-produced ng Star Cinema at Viva Films. Sa last week ng September ang start ng shooting ng wala pang title na pelikula.

So, hindi totoong next year pa gagawin ni Regine ang movie gaya nang nabalita. Ang next year niyang gagawin ay ang movie version ng Darna dahil nagkaroon daw ng problema sa rights. Kaya, inuna ng GMA Films ang Mulawin the Movie and hopefully, next year, wala nang sagabal.

Kahit sa November pa, pinaghahandaan na ni Regine ang series of concerts niya sa Aliw Theater. Billed Reflections ang concert na naka-schedule sa November 4, 5, 11, 12, 18 & 19 at sa December 9 & 10. Iba’t ibang guests ang makakasama ng Songbird pero, ang puwede palang isulat ay sina Aiai delas Alas at Jonalyn Viray. Si Regine mismo ang director ng concert at produced ng kanyang Aria Productions.
* * *
Ang gandang tingnan nina Ryza Cenon at LJ Reyes na very close at laging magkadikit sa promo ng Lovestruck. Sa press interview, nakita namin silang nagkokodakan sa isang sulok ng Skyline Restaurant sa 17th floor ng GMA-7 Bldg. Kapag si Ryza ang nagpo-pose, si LJ ang kumukuha ng litrato and vice-versa. Biniro nga namin ang dalawa na sila ang magka-loveteam dahil laging magkadikit.

Hindi ‘yun ang first time na nakikita namin silang close dahil pati sa taping ng Love to Love (Stuck in Love), sila rin ang nagkukwentuhan. Nabanggit din minsan ni Ryza, na sina LJ at Mike Tan ang nakakasama niya ‘pag type niyang gumimik.

Umaasa kaming hindi masisira ng intriga ang closeness ng dalawa. Sana’y hindi nila bigyan ng puwang na sirain sila ng sulsol at tsismis ang kanilang friendship. Gawin sana nilang example sina Jennylyn Mercado at Yasmien Kurdi na hanggang ngayon ay magkaibigan at hindi nag-iintrigahan.

Bukas na pala ang opening ng first movie nina Ryza at LJ at kapag napanood na ito’y hindi lang si Direk Louie Ignacio ang mapapabilib nila.
* * *
Nakita namin sa Baang Café si Paolo Contis noong isang araw. Busy ito sa pagta-type sa kanyang lap top kaya, hindi na namin siya ginulo. Binati lang namin at ngumiti naman.

Pero, sa totoo lang, gusto namin siyang ma-interview dahil may narinig kaming may girlfriend siya after Bubbles Paraiso at hindi totoong loveless. Sikat na actress daw ang karelasyon nito at nabuking lang nang dalawin siya noong nagti-taping sila ni Katrina Halili ng Magpakailanman.

Dumalaw daw ang actress sa set at para hindi makilala, naka-dark glasses at naka-cap at natatakpan ang magandang mukha. Maganda sanang pag-reakin si Paolo lalo’t, ibang actor ang gusto ng fans na ka-love- team ng actress na nali-link sa kanya.
* * *
In-launched last Sunday ang 2nd SOP Bling-Blings Music Awards at nagpasaya sa launching ang pagdating ng ibang nominees sa eight categories. Nakakatuwa’t kahit may Aliw at Awit Awards na, excited pa rin ang mga singer, band member lalo na ang mga nominado’t fans ang boboto’t pipili ng winners.

From September 12 to October 1, pwedeng mag-text at bumoto and eight lucky texters ang may chance manalo ng P20,000 each. Abangan ang advisory ng GMA-7 kung paano maiboboto ang mga favorite ninyong singer at band.

Ang awarding at announcement ng winners ay gaganapin sa UP Theater sa October 2. Maganda ang labanan ngayon dahil parehong nominated sa Viewer’s Choice of the Year ang "Stay" ng Cueshe at "The Day You Said Goodnight" ng Hale. Hindi papayag ang kani-kanyang fans na matalo ang favorite local band nila.

vuukle comment

ALIW THEATER

ARIA PRODUCTIONS

AWIT AWARDS

BAANG CAF

BLING-BLINGS MUSIC AWARDS

BUBBLES PARAISO

CHOICE OF THE YEAR

RYZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with