^

PSN Showbiz

Ang disiplina ni Celia Rodriguez

-
Nagmistulang isang pelikula ang costing ng Daisy Siete, Pitong Maria na nasa ika-9th season na. Dahil sa taas ng rating nito, kumuha ang producer ng Focus E. Inc. na si Joy Cancio ng malalaking artista tulad nina Ms. Celia Rodriguez, Glydel Mercado at muling ibinalik si Kier Legaspi. Isinali rin si Ryan Eigenmann, Richard Quan. Tampok bilang Pitong Maria sina Rochelle, Jopay, Izzy, Weng, Evette, Sunshine at Jacque E.

Nung unang mag-guest si Beth Oropesa, nagbigay ito ng maikling pangaral sa Sex Bomb. Sinabi ni Beth, dapat silang magtiyaga at magsikap para marating ang kanilang pangarap. Sinabi naman ng isa pang guest na si Ms. Delia Razon, na huwag silang mag-iinggitan dahil malas ito.

Para kay Manay Celia Rodriguez naman, ipinangaral niya sa grupo na maging istrikto sa disiplina. Magkaroon lang daw sila nito at tiyak silang magtatagumpay.

"Kung wala akong disiplina sa katawan, baka wala na ako sa sirkulasyon ngayon," ani Manay Celia. Matagal na raw siya sa showbiz at subok na niya ang bagay na ito.

Sa istoryang bago ng Daisy Siete, isang glamorosong lola ang papel niya, na humahanap sa pitong anak na babae na naiwanan ng kanyang anak. Kinuha niyang abogado si Kier Legaspi. Daughter-in-law naman ni Manay si Glydel Mercado. Anak niya rito sina Jovel at Danielle na nagpapakitang gilas naman bilang kontrabida. – VIR GONZALES

BETH OROPESA

CELIA RODRIGUEZ

DAISY SIETE

DELIA RAZON

FOCUS E

GLYDEL MERCADO

JACQUE E

JOY CANCIO

KIER LEGASPI

MANAY CELIA

PITONG MARIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with