Rustom, magdi-direct sa ABS-CBN?
August 10, 2005 | 12:00am
Dumalaw sa Solar-UIP office si Rustom Padilla para dumalo sa birthday celebration ni Nicole Castillo. Usap-usapan dun na may ididirek na TV show ang aktor sa Dos. Gaano kaya katotoo ito?
Kunsabagay talagang desidido ang aktor sa planong pagdidirek. Ipinagmamalaki naman nito na tapos siya ng filmmaking sa Amerika na gusto na niyang gamitin.
Kahit sa opisina ay nagtatalu-talo sila kung bakit pumayat nang husto ang aktor at iisa lang ang kanilang palagay. Hindi natanggap ng aktor ang kanilang paghihiwalay noon ng dating asawang si Carmina Villaroel.
Natatawa nga ang aktres dahil hindi nila alam kung saan sila lulugar ng nobyo. Noon namang nag-split sila ay pilit silang pinagbabati at ngayong nagkabalikan na at nagkakasundo na ay pilit naman silang pinaghihiwalay.
Dahil sa kanyang feeding program ay nakatulong sila sa malnourished children. Sa tulong ng Rotary Club at iba pang non-government organization ay nakapagbigay sila ng wheelchair at sa iba pang nangangailangan ng tulong.
Ang programa ni Daniel na Kaka In Action ay mapapanood sa UNTV araw-araw mula Lunes hanggang Biyernes ganap na 5:30-6:30PM.
Abala pa rin ito sa kanyang IGAN Foundation na tumutulong sa mga kapuspalad bukod pa sa Emergency.
Kabituin sina Gena Rowlands (The Notebook) at John Hurt (Harry Potter and the Sorcerers Stone), ang The Skeleton Key ay ipinamamahagi sa Pinas ng United International Pictures sa pamamagitan ng Solar Entertainment Corporation.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended


























