^

PSN Showbiz

Type ang mas matanda sa kanya!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Hindi lang magaling na artista si John Prats kundi isa ring magaling na dancer. Nahasa ang talentong ito noong nasa Ang TV pa lang siya.

Na-meet na niya ng personal ang itinutukso sa kanyang si Nikki Gil at nagagandahan siya rito. Pero sa ngayon ay loveless ang aktor at prioridad pa rin ang career.

"Posible ba siyang ma-in love sa isang mas may edad sa kanya?" tanong namin.

"Why not, kung kasing ganda ba siya at kasing seksi ni Ms. Lorna Tolentino. Mukha pa rin siyang bata at talagang crush ko na siya noon pa," aniya.
Masinop Sa Pera
Maraming nagtanong kay Boy Abunda kung ano ang gagawin nito sa kanyang kayamanan dahil wala namang magmamana ng kanyang pera at mga ari-arian. May isa lang yata o dalawa itong pamangkin.

Inamin ni Boy na nanggaling din siya sa hirap kaya naging masinop sa pera. Wala sa kanyang isipan ang walang habas na paggastos ngayong kumikita ito ng malaki.

Sa kabilang banda, inamin nito na mayaman siya sa kaibigan. Nagkaroon na rin sila ng bonding nina Kris Aquino at Cristy Fermin sa The Buzz.

Ano ang sikreto kung bakit nakarating sila sa ikaanim na taong anibersaryo?

"Wala kasing sapawan na nangyayari sa amin. Pag sinabi kong Cristy ikaw na... ay sumusunod siya, kaya walang problema at nagbibigayan kami."

Sa kabilang banda, sinabi ni Kris Aquino na si Boy ang pinakamatagal niyang naging kaibigan, time pa noong ipinanganak si Joshua. Kaya nga hindi nito maiwanan ang The Buzz ay dahil kay Boy na bukod sa matalik na kaibigan ay tagapayo pa niya.
Malayo Ang Mararating
Gandang-ganda kami kay Empress Schuck na alaga rin ni Becky Aguila. Napaka-sweet ng beauty nito at kahit dose-anyos lang ay malaking bulas ito (5’3) kaya crush ng mga bagets sa Star Circle (Batch 13).

Natuklasan ito sa isang komersyal hanggang maging bahagi ng Ang TV 2 at nagkaroon ng maraming TV appearances. Na-nominate si Empress bilang Best Child Performer sa Nine Mornings na tinampukan nina Piolo Pascual at Donita Rose.
Pinakamalaking Pelikula Ng Taon
Inaabangan na ang War of the Worlds ni Tom Cruise na tinatayang pinakamalaking pelikula ng taon. Isa itong madamdaming istorya ng mag-anak na nagkabuklod habang ang mundo ay winawasak ng isang digmaan. Gagampanan ni Tom ang papel ni Ray Ferrier isang dock worker na hiwalay sa asawa na hindi rin maganda ang relasyon sa mga anak na sina Rachel at Robbie dahil hindi niya ito nakasama sa kanilang paglaki.

Ang War of the Worlds ay isang maaksyong pelikula na may puso at kapag si Steven Spielberg ang direktor ay wala itong kapantay sa paggawa ng makabagong uri ng pelikula.

BECKY AGUILA

BEST CHILD PERFORMER

BOY ABUNDA

CRISTY FERMIN

DONITA ROSE

EMPRESS SCHUCK

JOHN PRATS

KRIS AQUINO

WAR OF THE WORLDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with