^

PSN Showbiz

Bumoto naman kayo sa KAPPT election!

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -
Muli kong tinatawagan ang lahat ng miyembro ng Kapisanan ng mga Artista ng Pelikula at Telebisyon para sa ating eleksyon sa June 19, 2005 na gaganapin sa KAPPT office. Maari kayong magparehistro sa Sampaguita office. Gagawin ang eleksyon mula 9:00AM-5:00PM kaya muli akong nananawagan na makiisa naman kayo.

Tinatawagan ko rin ng pansin ang ating mga sikat at kilalang artista tulad nila Richard Gomez, Christopher de Leon, Ricky Davao, Joey Marquez, Tirso Cruz III at iba pa na kumandito para naman mamuno sa KAPPT.

Importanteng maipagpatuloy natin ang layunin ng organisasyong ito para sa kapakanan ng ating mahal na industriya.

Kaya nga hinihiling ko na mga pawang kilala at respetadong artista ang tumakbo sa eleksyong ito para naman magkaroon ng bagong leader ang ating actor’s guild.

Kailangan natin ng bagong set of officers kasama na ang 15 board members.
* * *
Congratulations sa pagkakapanalo ni Gary Valenciano sa Awit Awards.

Napaiyak si Gary dahil naalala niya si Ms. Bella Tan na malaki ang naitulong sa kanya at maging sa marami nating singers at sa buong music industry ng musika.

Sana nga ay ipagpatuloy pa natin ang paglikha ng sarili nating musika. Ganito rin ang ating panawagan sa mga kasamahan natin sa radyo na patuloy na magpatugtog ng mga lokal na awitin.
* * *
Marami na akong nakakausap tungkol kay Councilor Isko Moreno. Lahat sila ay nagsasabi ng mga magagandang bagay na ginagawa ni Isko sa sinasakupan nito.

Aware naman ang lahat na galing si Isko sa mahirap na pamilya kung kaya alam niya kung sino ang dapat tulungan at kung ano ang dapat gawin sa kanilang mga pangangailangan.

Malaking factor din ang magandang samahan nila ni Vice Mayor Danny Lacuna kung kaya may nararating ang mga proyekto nilang dalawa.

Ganyan ang nagagawa ng walang intrigahan o awayan bagkus pareho silang pokus sa kani-kanilang trabaho na ang mamamayan ng Maynila ang nakikinabang.

Marami tuloy ang nagsasabi na malayo pa ang mararating ni Isko sa magandang ipinapakita nito sa kanyang tungkulin bilang konsehal ng Maynila.

Ngayon palang, sinasabi na ng mga kababayan ni Isko na puwede na siyang gawing mayor o vice mayor ng Lungsod ng Maynila.

Hangad ko na dumami pa ang tribo ni Isko upang mas marami pang magawa ang mga nakaupo natin sa gobyerno.
* * *
Magkakaroon ng reunion ang mga dating miyembro ng That’s Entertainment na sina Sheryl Cruz, Beth Tamayo, Zoren Legaspi, at Cris Villanueva para sa second season ng Now and Forever ng GMA-7.

Nung isang araw ay nagkaroon na sila ng pictorial at habang naghihintay ay walang puknat na kuwentuhan at tawanan ang pinaggagawa nila sa set.

Malaki ang kanilang pasasalamat at naisipan ng GMA na pagsama-samahin sila sa isang palabas na tiyak na magugustuhan ng ating manonood kaya abangan natin ito.

vuukle comment

AWIT AWARDS

BETH TAMAYO

CRIS VILLANUEVA

DANNY LACUNA

GARY VALENCIANO

ISKO

ISKO MORENO

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with