^

PSN Showbiz

Mark/Jennylyn, may bagong problema

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Tinawanan lang pareho nina Jennylyn Mercado at Mark Herras ang panibagong tsika sa loveteam nila na for publicity at para sa kanilang career na lang ang kanilang relasyon. Basta sila raw ay nagmamahalan ngayon at walang balak maghiwalay.

"Ang magiging rason lang nang paghihiwalay namin ay kung ma-fall out of love kami at ma-involve sa iba. Pero, hindi pa nangyayari ‘yun at gagawin namin ang lahat para hindi mangyari. One year na kami at okay pa rin ang relationship namin," pahayag ni Mark.

In-assure ni Mark ang fans nila ni Jennylyn na for real ang sweetness na mapapanood sa kanila sa Say That You Love Me, na incidentally, this Monday ang premiere night sabay ng debut ni Jennylyn.

Nabanggit ni Mark na na-in love siya kay Jennylyn nang kantahin nito ang "Get Here" noong nasa StarStruck pa sila’t maganda ang version nito. Na-challenge rin siya sa pagiging tahimik at loner nito at ang pagkakaroon ng sariling mundo.
* * *
Nasa bansa na si Joe Chen, ang Taiwanese leading lady ni Richard Gutierrez sa Sugo. Dumating ito last Saturday and this week na ang start niyang mag-taping. Sabi’y, one week lang dito si Joe Chen pero, mas kapani-paniwala ang ibinalita sa aming baka abutin siya ng one month to shoot her part.

Kilala na ng Pinoy viewers si Joe Chen, naalala siya sa Twin Sisters pero, una siyang napanood sa My MVP Valentine at Lavender. Ginawa rin nito ang In Love with A Girl nila ni Jason Hsu ng 5566.

Nakarating na ng bansa si Joe Chen nang i-promote nila ni Wallace Huo ang Twin Sisters pero, hindi siya na-interview ng press dahil nakabalik na siya ng Taiwan bago pa ang presscon. Naalala naming tinanong namin si Wallace kung ano ang totoo sa kanila dahil nabasa namin sa Net na naging sila. Itinanggi ni Wallace ang tsismis.

Sabi’y, dito kukunan ang mga eksena ni Joe Chen pero, may nagkuwento sa aming may mga eksena siyang kukunan sa Taiwan kasama si Julianne Lee at sabay silang darating. O baka, naman nabago ang script.
* * *
Hindi naman pala resign sa Unang Hirit si Daniel Razon gaya nang kumalat na balita. Nag-file lang ito ng 30 days leave of absence kaya, hindi napapanood sa morning show ng GMA-7.

Ayaw sabihin sa amin kung bakit bakasyon sa ere si Daniel pero, tiyak kaming may kinalaman dito ang conflict niya with Iglesia Ni Cristo members. Nang bumisita nga kami sa igma.net., nabasa namin ang daming nagrereklamo sa kanya’t may move pang tuluyan siyang maalis sa Ch. 7.

Habang nasa bakasyon, inaayos din daw ni Daniel ang problema ng TV station ng Ang Dating Daan. Sinuspendi ng MTRCB ang airing nito, dahilan para hindi muna napapanood.

Sa aming pagtsa-channel surfing, napadaan kami sa Net 25 ng INC at natiyempuhan naming iniisa-isa ng mga host ang kasalanan sa kanila ni Ely Soriano ng ADD at kay Bro. Mike Velarde.

Babalik din daw ang TV host pero, hindi sinabi ng aming source kung kailan. In fairness, kung may nagagalit kay Kaka, marami rin ang nakaka-miss sa kanya. Ano nga kaya ang dapat gawin ng Ch. 7 para maalis ang galit ng ibang viewers sa kanya?

pero, una siyang napanood sa My MVP Valentine at Lavender. Ginawa rin nito ang In Love with A Girl nila ni Jason Hsu ng 5566.

Nakarating na ng bansa si Joe Chen nang i-promote nila ni Wallace Huo ang Twin Sisters pero, hindi siya na-interview ng press dahil nakabalik na siya ng Taiwan bago pa ang presscon. Naalala naming tinanong namin si Wallace kung ano ang totoo sa kanila dahil nabasa namin sa Net na naging sila. Itinanggi ni Wallace ang tsismis.

Sabi’y, dito kukunan ang mga eksena ni Joe Chen pero, may nagkwento sa aming may mga eksena siyang kukunan sa Taiwan kasama si Julianne Lee at sabay silang darating. O baka, naman nabago ang script.
* * *
Hindi naman pala resign sa Unang Hirit si Daniel Razon gaya nang kumalat na balita. Nag-file lang ito ng 30 days leave of absence kaya, hindi napapanood sa morning show ng GMA-7.

Ayaw sabihin sa amin kung bakit bakasyon sa ere si Daniel pero, tiyak kaming may kinalaman dito ang conflict niya with Iglesia Ni Cristo members. Nang bumisita nga kami sa igma.net., nabasa namin ang daming nagrereklamo sa kanya’t may move pang tuluyan siyang maalis sa Ch. 7.

Babalik din daw ang TV host pero, hindi sinabi ng aming source kung kailan. In fairness, kung may nagagalit kay Kaka, marami rin ang nakaka-miss sa kanya.

vuukle comment

A GIRL

DANIEL RAZON

JOE CHEN

KUNG

NAMIN

PERO

TWIN SISTERS

WALLACE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with