^

PSN Showbiz

Jorel Tan gustong maging comedian

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Biyernes, Marso 18, umalis ng bansa si Piolo Pascual. Lumipad siya patungong Dubai at Switzerland, para diumano sa showing doon ng pelikulang Dreamboy ng Star Cinema. Syempre kasama ang kanyang leading lady na si Bea Alonzo.

Nauna nang magtungo sa Los Angeles, California ang mga kasama ni Piolo sa Hunks na sina Diether Ocampo, Bernard Palanca at Carlos Agassi. Doon sila magkikita-kita para sa isang live concert.

Palaging busy si Piolo Pascual at talaga namang walang pakialam sa iskandalong kinasangkutan niya sa Star Awards. Saka talaga naman wala siyang kinalaman tungkol dito.

Si Piolo ang napiling latest endorser ng European garment company na Diadora. Kaya kasali siya sa Phiilippine Fashion Week na itatanghal sa Glorietta Activity Center.

Sa araw ng Huwebes, March 31 ang fashion show doon ng Diadora, kaya’t isa sa mga modelo si Piolo Pascual. Makikita sa show ang spring/summer collection ng sikat na European label.

Posibleng mag-swim wear ang mga models sa show at kasama na rito si Piolo.

Hinihintay pa rin ng mga fans ni Piolo ang pelikulang pagtatambalan ng kanilang idolo at ni Judy Ann Santos. Ayaw nilang maniwala sa lumabas na balitang shelved muna ang project na ito.
* * *
Nakita na ba ninyo ang bagong talent ni Nap Gutierrez na si Jorel Tan?

Talagang tipong artista si Jorel at maaring matinee idol. Kaya lang, ang ambisyon niya ay maging isang comedy actor. Nakilala ko siya ng personal at tiningnang mabuti.

Kahit saang anggulo sipatin, wala akong makitang pagkahawig niya sa mga sikat na batang komedyatne ngayon tulad nina Janno Gibbs, Michael V. at Anjo Yllana. Lalong wala sa features niya ang Joey Marquez.

Tulad ng kanyang manager na si Nap, sa Mapua Institute of Technology nag-aral si Jorel. Malapit na siyang mag-graduate sa kanyang course na mechanical engineering. Obvious naman na mestisong Chinese siya, di tulad ng dating talent ni Nap na si Alvin Patrimonio na purong Pinoy.

Napapanood si Jorel sa Chowtime ng IBC 13, kung saan isa siya sa semi-regular hosts.
* * *
Magkakapatid ang tatlong mga dalaginding na bumubuo ng Couch Act.

Kung nanonood kayo sa Link at Cable Cafe sa cable channels, familiar na sa inyo ang kantang "I’m Over You" ang single mula sa debut, self-titled CD ng trio. Madalas din itong patugtugin sa Love Radio 90.7 at Yes FM.

Ang Couch Act ay sina Roanne, Botch at Xanxan Orial at Warner Philippines ang distributor ng kanilang plaka.
* * *
Basta sinabing taga-Cebu ang isang bagong singer, expected na nating mahusay talagang kumanta.

Tulad ni Rizza na bagong talent ng Primeline ni Ronnie Henares. Mapapanood natin si Rizza simula sa Lunes hanggang Biyernes sa Sis. Makikita natin ang kanyang transformation from ugly duckling hanggang maging isang sopistikadang song artist.

Ngayon ay higit na handa si Rizza na magtanghal ng live sa maraming mga venues na na-schedule para sa kanya ni Henares.

Dapat tyempuhang n’yo siya roon sa mga kinakantahan niya para marinig ang kanyang amazing vocal power.

Noong nasa Cebu pa lamang siya, bilang lead vocalist ng isang sikat na banda, talagang dinarayo na siya sa mga kinakantahan niyang mga five star hotels at leading nitespots doon.

Ngayon nasa Metro Manila na si Rizza, tiyak na higit na maraming mga tao ang magiging regular audience niya.

ALVIN PATRIMONIO

ANG COUCH ACT

ANJO YLLANA

JOREL

PIOLO

PIOLO PASCUAL

RIZZA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with